• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tyson Fury napanatili ang WBC heavyweight crown sa panalo vs Dillian Whyte sa harap ng 94,000 record fans

NAPANATILI  ni Tyson Fury ang pagiging World Boxing Council (WBC) heavyweight champion matapos pabagsakin sa sixth round si Dillian Whyte sa harap ng 94,000 fans na nanood sa Wembley Stadium sa London.

 

 

Ang naturang crowd ay record breaking bilang highest attendance sa isang boxing match sa Europe at pinakamarami sa buong mundo.

 

 

Muli na namang nagpakita ng kanyang masterclass performance si Fury sa itaas ng ring na siya pa rin ang best fighter sa heavyweight division ngayong panahon.

 

 

Mula sa first round ay makikitang “outmatched at outclassed” ni Fury ang kanya ring kababayan na mula sa UK na mandatory challenger.

 

 

Pagsapit ng sixth round, halatang medyo desperado na sa kanyang diskarte si Whyte na pagod na rin at nakakailag sa kanyang pinakakawalang pamatay na suntok ang kampeon.

 

 

Ilang sandali pa, nagpakawala ng kanan na uppercut si Fury na siyang nagpabagsak kay Whyte na una ang kanyang likuran sa lona sa oras na 2:59.

 

 

Nagawa pang makatayo ni Whyte pero naghudyat na ang referee na itigil na ang laban.

 

 

Batay sa statistics tumama ang 76 mula sa 243 na total punches na pinakawalan ni Fury, habang 29 lamang out of 171 ang kay Whyte.

 

 

Sa ngayon ang record ni Fury ay lalo pang umangat sa 32-0-2, (23KOs) samantalang 28-3 (19KOs) naman si Whyte.

Other News
  • Philippine Charity Sweepstakes Office, nanindigang walang iregularidad sa pagkakapanalo ng higit 400 bettors

    TINIYAK ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na transparent at may integridad ang pagkakapanalo ng mahigit 400 na tumaya at nanalo sa 6/55 lotto.     Kasunod na rin ito ng kaliwa’t kanang mga reaksiyon sa pagkakapanalo ng mahigit 400 na mananaya na mayroong pare-parehong winning number combination.     Ayon kay PCSO General Manager […]

  • DOTr inireklamo ng ‘cyber libel’ transport leader, journo dahil sa corruption allegation

    NAGHAIN ng reklamong paglabag diumano sa Cybercrime Prevention Act of 2012 ang kalihim ng Department of Transportation (DOTr) laban sa isang transport leader at mamamahayag — ito ay matapos siyang paratangan kaugnay ng katiwalian.     Ito ang inihain ni Transport Secretary Jaime Bautista sa Department of Justice (DOJ) ngayong Miyerkules laban kina MANIBELA chairperson […]

  • PDP-Laban faction na suportado ni PDu30, in-adopt si Mayor Sara bilang VP bet

    IN-ADOPT ng PDP-Laban faction na suportado ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang anak ng huli na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio bilang vice presidential bet ng partido para sa May elections.     Nauna nang sinalungat ni Pangulong Duterte ang pagtakbo ng kanyang anak bilang bise-presidente, kahit pa nanguna ito sa surveys bilang kanyang […]