• December 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Advocacy niya ang autism awareness and detection: HERLENE, pasok na sa official list of candidates ng ‘Binibining Pilipinas 2022’

KABILANG na si Herlene  “Hipon Girl” Budol, sa official list ng 40 candidates para sa Binibining Pilipinas 2022.

 

 

Teary-eyed si Herlene nang tawagin ang number 67 na number niya sa final screening ng beauty pageant.

 

 

Ang layo na nga ng narating ng comedianne at former Wowowin host, matapos ang maraming intrigang kanyang pinagdaanan, kaya speechless siya at napaiyak nang marinig na tinawag ang name niya, habang nagdarasal siya, kaya nagpasalamat siya na sinagot ang dasal niya.

 

 

   “Sana mahalin nyo ako bilang Hipon Girl, na doon ninyo ako nakilala, ipinapangako ko na hindi ako magbabago at hindi lalaki ang ulo ko.  Maraming-maraming salamat sa inyo, sa aking family, at lahat ng mga taong nagtiwala, nag-guide at sumuporta sa akin.”

 

 

Herlene will advocate autism awareness and detection for her Binibining Pilipinas stint.  Pinauna na rin ni Herlene na hindi niya ipu-push ang sarili na magsalita ng English during the question and answer portion of the pageant, sa halip gagamitin niya ang Filipino language.

 

 

Bago ang beauty pageant, mapapanood muna si Herlene, with Buboy Villar sa GMA Telebabad, na False Positive, starring Glaiza de Castro and Xian Lim, simula sa May 2 after First Lady sa GMA-7.

 

 

***

 

 

THANKFUL si Comedy Queen Ai Ai delas Alas sa GMA Network, sa patuloy na pagtitiwala nila sa kanyang kakayahan at hindi siya pinababayaang mawalan ng trabaho.

 

 

Kaya naman she cut short her US vacation at iniwan doon ang husband niyang si Gerald Sibayan, nang dumating ang offer sa kanya ang Raising Mamay, na very challenging role para sa kanya.

 

 

      “Isang mahirap na role ito, but fulfilling para sa akin,” sabi ni Ai Ai.

 

 

“Mag-ina kami ni Shayne Sava (StarStruck 7 Ultimate Female Winner), magkakaroon ako ng aksidente, na nag-result sa regression ng pag-iisip ko.  Naging batang-ina ako, at parang naging nanay ko si Shayne na siyang nag-alaga sa akin.”

 

 

For Shayne naman, marami raw siyang natutunan simula pa lamang nung first day ng lock-in taping nila.

 

 

“Thankful po ako kay Mamay (Ai Ai), dahil araw-araw ang dami kong natutunan sa kanya dahil most of the scenes, magkasama kami. Pero ang lesson sa story, don’t be judgmental sa kapansanan ng isang tao.”

 

 

Balik-tambalan sina Shayne at Abdul Raman, na unang napanood sa Legal Wives.  Ayon kay Abdul, ang dami niyang natutunan nang makasama ang mga veteran actors sa serye, na hindi raw siya umaalis kahit tapos na ang eksena niya, dahil nanonood pa siya ng mga susunod na eksena ng mga kasama niya.

 

 

Today, April 25, ang world premiere ng Raising Mamay, 3:25PM, after ng Prima Donnas, sa GMA-7.

 

 

***

 

 

NAIINTRIGA agad sina Kylie Padilla at Julie Anne San Jose, dahil kay Rayver Cruz.

 

 

Nagagalit ang mga fans ni Julie Anne kay Rayver dahil bakit daw girlfriend na nito ang idol nila, nakikipagmabutihan pa rin siya kay Kylie?

 

 

Sana’y maging open-minded ang mga fans ng JulieVer, na trabaho lamang iyon kay Rayver, dahil sila ni Kylie ang lead stars, with Jak Roberto, sa coming GMA teleserye na Bolera, na malapit nang mapanood.

 

 

May mga netizens namang nagsasabi na may chemistry sina Rayver at Kylie, kaya excited na silang mapanood ang dalawa sa first serye tungkol sa paglalaro ng billiard, na isang babae ang magiging billiard champion.

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Umawat sa away… Magkapatid pinagsasaksak, 1 patay, 1 sugatan

    NASAWI ang 36-anyos na lalaki habang sugatan naman ang kanyang kapatid matapos pagsasaksakin ng isa sa apat na kalugar makaraang umawat ang mga biktima sa away sa Malabon City.     Dead-on-arrival sa Makatao hospital sanhi ng tinamong tatlong saksak sa katawan ang biktimang si Marlon Dollete, habang ginagamot naman sa Tondo Medical Center sanhi […]

  • Ads January 23, 2021

  • CHR, suportado ang electronic filing ng civil cases

    SUPORTADO ng Commission on Human Rights (CHR) ang inisyatiba ng Korte Suprema sa transisyon ng electronic filing para civil cases sa trial courts.     “Digitalization streamlines court proceedings and reduces the physical and financial burdens associated with traditional filing methods,” ayon sa komisyon.     Nauna rito, sinabi ni SC spokesperson Camille Ting na […]