• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PAGSISIYASAT SA DI PAGBABAYAD NG VENUE SA DEBATE, TINATAPOS NA

INAASAHAN ng Commission on Elections (Comelec) na matatapos ngayong linggo ang pagsisiyasat nito sa kabiguan ng kasosyo nito na magbayad sa hotel na ginamit bilang venue para sa presidential at vice presidential debate nito, sinabi ng isang poll official noong Linggo.

 

 

Sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia na pinangunahan ni  Commissioner Rey Bulay ang imbestigasyon sa kontrobersya na nagpilit sa poll body na ipagpaliban ang huling dalawang debate sa halalan, na nakatakdang maganap ngayong weekend.

 

 

Ang pinal na  Comelec-organized vice presidential at presidential debates ay ipinagpaliban sa April 30 at May 1, mula sa dating April 23 at 24.

 

 

Ipinagpaliban ang debate matapos a matuklasang ang event organizer  Impact Hub Manila ay bigong mabayaran ang obligasyon nito sa  Sofitel Philippine Plaza, na halagang  P14 milyon.

 

 

Ayon sa Sofitel paulit-ulit silang inisyuhan ng  Impact Hub ng talbog na tseke

 

 

Bulay is asking for a week to complete the probe, said Garcia. “Hopefully, bago matapos ang Friday na ito ay atin pong malalaman na kung anong result ng investigation.”ani Garcia.

 

 

Tiniyak ng komisyoner na ang poll body ay magiging “very transparent” sa mga resulta ng imbestigasyon.

 

 

“We will be very, very transparent dahil walang katumbas ‘yong transparency doon sa kahihiyan na inabot, halimbawa, initially ng Commission on Elections,” pahayag ni Garcia .

 

 

Umapela rin ito sa publiko na huwag munang magbigay ng hatol sa sinuman habang hinihintay pa ang resulta ng imbestigasyon.

 

 

Inulit ni Garcia na ang Comelec ay hindi nag-isyu ng pondo para sa debate at ipinaliwanag na ang Impact Hub Manila ay pinayagang makalikom.ng pera sa pamamagitan ng advertisements  na siyang gagamitin na pambayad sa hotel.

 

 

Ikinalungkot ni Garcia na ang naturang miscommunication ay nakaapekto sa Comelec at sa integridad nito.

 

 

“Yung miscommunication ay miscommunication nila. But hindi dapat madamay ang end-user. Kung kahit na kayo’y naglalabanan, ano man ang pinanggagalingan ng inyong misinformation, miscommunication, whatsoever, ang importante hindi nadadamay yung mismong end-user,” sabi ni Garcia.

 

 

“Kasi tatandaan natin na ‘yang end-user ay isang Constitutional body na responsable sa mga mamamayan. Sa bandang huli, ang mga mamamayan ang kausap nila dito, hindi naman ang Commission on Elections lang. Pinagkatiwalaan sila ng Comelec at mga mamamayan ma-deliver ‘yan,” aniya pa. (GENE ADSUARA)

Other News
  • 17-ANYOS NA DALAGITA NIREYP NG KAINUMAN

    MAAGANG nasira ang kinabukasan ng 17-anyos na dalagitang estudyante matapos samantalahin ang pagkalasing nito at halayin ng 29-anyos na may-ari ng isang computer shop sa bahay ng suspek sa Navotas City.     Nadakip naman kaagad nina P/SSgt. Reyjie Gruta at P/Cpl Clifford Lumelay, nakatalaga sa Sub-Station 4 ng Navotas Police ang suspek na si […]

  • Tuloy ang laban para kay Amit

    ANIM na buwan sa linggong ito ang Coronavirus Disease 201919, pero tuloy pa rin ang buhay para kay 2019 Philippine Southeast Asian Games billiards double gold medalist  Rubilen Amit.   Maalaga ang ang two-time World Pool Billiard Association (WPA) world women’s 10-ball champion sa kaisipan, sa katawan at sa ispirituwal.   “This pandemic mostly attending […]

  • SRP sa bigas planong ipatupad ng DA

    PLANO ng Department of Agriculture (DA) na magpatupad ng suggested retail prices (SRPs) sa bigas upang matiyak na may bigas na makakain ang lahat ng sambayanang Pilipino sa abot kayang presyo ng produkto.     Gayunman, sinabi ni DA Asst Secretary at spokesman Arnel de Mesa na upang maipatupad ang hakbang ay kailangan muna nilang […]