• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DA, tiniyak ang mas maraming tulong matapos na sumirit sa P3-bilyon ang pinsala sa agrikultura

MINAMADALI na ng Department of Agriculture (DA) ang pagbibigay ng tulong sa mga apektadong magsasaka at mangingisda matapos na umabot sa P3 bilyon ang pinsala na dulot ng Tropical Storm Agaton.

 

 

Sa Laging Handa public briefing, tinukoy ni Agriculture Undersecretary Fermin Adriano na ang DA ay nakapag-secure na ng five assistance deliveries sa mga “much-affected sector.”

 

 

Kabilang na rito ang P500 milyong halaga ng quick response fund; P100 milyong piso para sa credit program; P88 milyong halaga ng free seedlings para sa bigas at iba’t ibang pananim at P13 milyong halaga ng tulong para sa poultry losses; at maging sa delivery ng agricultural insurance benefits.

 

 

“Pinakikilos na rin namin ‘yung Philippine Crop Insurance Corporation na bayaran ‘yung mga magsasaka na naka-insured sa kanila ng mga damages dahil dito sa typhoon Agaton,” ayon kay Adriano.

 

 

Sa pinakahuling bulletin ng DA, 67,586 magsasaka at mangingisda ang napaulat na apektado partikular na sa Bicol Region, Western Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Davao Region, Soccsksargen, at Caraga.

 

 

Ang highest value ay naitala sa rice production, umabot ito sa “P1.3 billion in losses” para sa mahigit na 29,000 ektarya ng lupain. (Daris Jose)

Other News
  • Dayuhang estudyante sa Pinas, sasailalim pa rin sa govt. intel

    SINABI ng Bureau of Immigration (BI) na ang mga dayuhang estudyante  na may hawak na student visa ay  sasailalim parin  sa government intelligence investigation kung may ginagawang illegal activities.     Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco na ayon sa batas, ang isang dayuhan na nakakuha ng student visa  ay maari pa ring sumailalim sa […]

  • Reso ng Senado sa e-sabong wala pa sa Malacañang

    WALA pang natatanggap na resolusyon ang Malacañang mula sa Senado tungkol sa pagpapatigil ng kontrobersiyal na e-sabong.     Ayon kay Cabinet Secretary at acting presidential spokesperson Karlo Nograles, wala pang ipinapadalang resolution sa Office of the President o kahit sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).     “Wala pa po tayong nakikitang Senate […]

  • Ads May 31, 2021