• December 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 notorious hackers arestado sa iligal na pag-access sa sistema ng Smartmatic

INARESTO ang tatlong hackers mula sa Cavite at Laguna na kaya umanong nilang pasukin ang sistema ng Commission on Election (Comelec) at manipulahin ang resulta ng eleksiyon.

 

 

Sa inilabas na report ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC), ang entrapment operation sa naturang mga suspek ay nangyari noong Abril 23 sa pakikipagtulungan ng CICC at Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) agents na nagpanggap bilang kliyente para makabili ng stolen data.

 

 

Nagresulta ito sa pagkakadakip ng mga suspeka na sina Joel Adajar Ilagan a.k.a Borger, Adrian de Jesus Martinez a.k.a. AdminX, at Jeffrey Cruz Ipiado a.k.a. Grape/ Vanguard/ Universal/ LLR.

 

 

Batay sa claim ng mga hacker, kaya din umano nilang palitan ang magiging resulta ng eleksiyon sa pamamagitan ng pag-access sa sistema ng Smartmatic, ang automated poll system provider ng bansa.

 

 

Nabatid din na base sa initial findings na ang grupong ito ang siya ring responsable raw sa nangyaring hacking incidents at target ang Comelec at Smartmatic system, hacking sa Napocor website at hacking sa credit cards at iba pang online transactions gayundin ang ransomware sa ilang local commercial websites.

 

 

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012. (Daris Jose)

Other News
  • PBBM, FL Liza nag-host ng casual dinner sa mga senador at asawa ng mga ito

    ISANG CASUAL DINNER ang inihanda ng First Couple na sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Unang Ginang Louise ”Liza” Araneta-Marcos sa mga senador at asawa ng mga ito sa Bahay Pangulo, Martes ng gabi matapos ang pagbabagong bihis sa liderato ng Senado.       Sa katunayan nag-post ang Unang Ginang ng larawan sa Instagram […]

  • Hangarin ni PBBM na ligtas, tahimik na pabahay, tinupad ng NHA

    PINANGUNAHAN ni National Housing Authority (NHA) General Manager Joeben Tai ang groundbreaking ng Navotas Homes 5 Phase 2 nitong Nobyembre 22, 2024.     Matatagpuan sa Barangay Tanza, Navotas, binubuo ang proyekto ng tatlong low-rise buildings na magbibigay tirahan sa 180 na pamilya.   Bawat unit may sukat na 24 sqm. at kumpleto sa mga […]

  • PROTOCOL MAHIGPIT NA IPAPATUPAD SA MAYNILA

    NAGHIHIGPIT pa rin ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa  pagpapatupad ng  health protocols sa kalsada at mga Barangay .   Kasunod ito sa  ginanap na directional meeting na pinangunahan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso kasama si MPD Director P/Brig.General Leo Francisco at mga station comanders kung saan ipinag-utos ng alkalde ang mahigpit na pagpapatupad ng […]