‘3-way race’ sa presidency, malabo na – analyst
- Published on April 28, 2022
- by @peoplesbalita
HINDI NA umano posibleng mangyari na magkaroon ng tatlong nangungunang maglalaban sa “presidential race” may dalawang linggo bago ang halalan, ayon sa analyst na si Dindo Manhit ng Stratbase ADR Institute research firm.
Sinabi ni Manhit na nakitaan ng pagbaba ng kanilang numero ang ibang mga kandidato mula noon pang Pebrero kaya hindi na mangyayari na may ikatlong makakadikit sa halalan.
Kabaligtaran ito sa pahayag ni Aksyon Demokratiko presidential bet at Manila Mayor Isko Moreno nitong umpisa ng Abril na magkakaroon ng “three-way race” sa halalan.
“We see that by this time a leading candidate, in this case (former) Sen. (Ferdinand) Marcos Jr, and running a second, maybe far second but building a momentum, is Vice President Leni Robredo,” paliwanag ni Manhit.
Sinabi pa niya na ang pangunguna ni Marcos ay maaaring ituro sa pagsasanib ng puwersa ng mga Duterte at mga Marcos. Sa kabila nito, tumataas naman ang suporta kay Robredo dahil sa diwa ng volunteerism.
Ngunit hindi naman umano ito nakataga sa bato dahil sa sinasabing may 40 porsyento pa ng mga Pilipino ang maaaring magbago ng kanilang iboboto. Ang hamon na lamang umano ay kung paano ito gagawin ng mga kandidato at paano mako-convert ang mga botante. (Daris Jose)
-
Miss Universe-PH Beatrice, bigla namang nasangkot sa isang love triangle at baka matulad kay RABIYA
SANGKOT sa isang love triangle ang kinoronahang Miss Universe Philippines 2021 na si Beatrice Luigi Gomez. Ayon sa isang post ng isang netizen na nagngangalang “Johnny Batumbakal”, may ka-affair diumano si Gomez sa isang lalake na ang pangalan ay John Odin at kinakaliwa raw nito ang kanyang girlfriend of seven years na si […]
-
Sa makasaysayang 2024 Paris Olympics… Carlos Yulo nasungkit ang gintong medalya sa floor exercise
NASUNGKIT ni Carlos Yulo ang gintong medalya sa floor exercise gymnastics ng 2024 Paris Olympics. Nakapagtala nang nakamamanghang 15.00 iskor si Yulo na may 6.600 difficulty at 8.400 sa execution upang maiuwi ang gintong medalya sa Pilipinas. Inangkin ng 24-anyos na tubong Leveriza, Manila ang ginto mula […]
-
VP Sara umayaw na sa confidential fund
HINDI na ipipilit pa ng Office of the Vice President (OVP) ang pagkakaroon o paghingi ng confidential funds para sa Office of the Vice President (OVP) at sa Department of Education (DepEd) para sa 2024. Ito ang kinumpirma kahapon ni VP Sara sa isang pahayag na ipinaskil sa kanilang social media pages. […]