Window hour scheme para sa mga provincial buses, pinaiimbestigahan
- Published on April 28, 2022
- by @peoplesbalita
PINAIIMBESTIGAHAN ng mga mambabatas ang ipinatutupad na window hour scheme para sa mga provincial buses makaraang ma-stranded ang maraming pasahero sa mga bus terminals nitong nakalipas na linggo.
Sa House Resolution No. 2562, hiniling nina Bayan Muna Reps. Eufemia Cullamat, Carlos Zarate, at Ferdinand Gaite sa House Committee on Transportation na siyasatin ang bagong polisiya na ipinatutupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ayon sa mga mambabatas, maraming pasahero ang naapektuhan ng naturang window-hour scheme.
Una nang ipinatupad ng MMDA ang window hours para sa mga provincial buses mula alas-10 ng gabi hanggang ala-5 ng madaling araw.
Dala ng bagong polisiya, nagpalabas ng travel advisories ang ilang provincial bus companies para sa departures at arrivals schedule sa kanilang Metro Manila terminals na 10 p.m. hanggang 5 a.m. (ARA ROMERO)
-
DTI tutol sa pagpapaluwag ng quarantine restrictions sa NCR
Maging ang Department of Trade and Industry ay tutol na ilagay sa mas maluwag na “quarantine restriction” ang National Capital Region (NCR) at karatig na lalawigan sa Agosto kahit na nais nila na magtuluy-tuloy na ang pagsulong ng ekonomiya. Ayon kay (DTI) Secretary Ramon Lopez, sapat na muna ang umiiral na general community […]
-
Discover the dark and complex origin of Marvel’s “Kraven the Hunter,” played by Aaron Taylor-Johnson
MARVEL fans, prepare for a gripping origin story like no other. Kraven the Hunter, opening in Philippine cinemas on December 11, delivers an intense, action-packed saga that redefines what it means to be a villain. This is not your typical superhero tale—Kraven is no hero. He’s human, raw, and dangerously flawed. At […]
-
Ads October 19, 2023