Meta, pinagpapaliwanag sa Senado sa isyu ng umano’y censorship
- Published on April 28, 2022
- by @peoplesbalita
PINAGPAPALIWANAG ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. ang social media giant na Meta, ang mother company ng social networking platform na Facebook.
Ayon kay Revilla na siyang chairman ng Senate committee on public information and mass media, nakakaalarma ang sunod-sunod na censorship ng social media firm.
Matatandaang isa sa umalma sa warning ng Meta ang kampo ni Presidential Security Adviser Hermogenes Esperon Jr.
Habang ngayong araw naman ay kinumpirma ng tagapagsalita ni dating Sen. Ferdinand Marcos Jr. na si Atty. Vic Rodriguez na sinusinde ng Facebook ang kaniyang account.
Samantala, nanindigan naman ang Meta na walang company officials na sangkot sa flagging ng mga post ng ilang government offices.
Ayon sa Meta, batid nila na tila na-block ng isang automation system ang pag-share ng ilang links sa kanilang platform.
Dahil dito, naka-flag din ang posts ng ibang Facebook pages na una nang nag-share ng mga nasabing link kaya’t iniimbestigahan at nireresolba na nila ang issue.
Nilinaw pa ng Meta na ang third-party fact-checking partners ay hindi basta nagtatanggal ng content, accounts o pages mula sa kanilang apps.
Nagtatanggal lamang ang FB ng content kung lumalabag ito sa kanilang community standards, na iba pa sa fact-checking programs nito.
-
Congress walang batas pa tungkol sa motorcycle taxis
TAONG 2019 nabuo ang technical working group (TWG) ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board tungkol sa isang feasibility study sa motorcycle taxis. “Legalizing what has already been widely adopted, the study was supposed to last for only two years, but amid the realities of a pandemic and public pressure, it had been […]
-
NHA magpapatupad ng moratorium sa mga benepisyaryo dahil sa bagyong Kristine
MAGPAPATUPAD ang National Housing Authority (NHA) sa ilalim ng pamumuno ni General Manager Joeben Tai ng isang buwang moratorium sa pagbabayad ng amortization at lease para sa lahat ng mga benepisyaryo ng pabahay nito, dahil sa pinsalang dulot ng bagyong ‘Kristine’. Ang Moratorium ay awtomatikong ipatutupad para sa mga benepisyaryo sa buong bansa […]
-
Gobyerno, double-time na nagta-trabaho para maging banayad ang inflation o pagtaas ng presyo ng ilang pangunahing bilihin
“Double time” ang ginagawang pagtatrabaho ng pamahalaan para maging banayad ang inflation o pagtaas ng presyo ng ilang pangkaraniwang serbisyo’t produktong binibili ng mga konsyumer sa gitna ng pabago-bagong global oil at non-oil prices. Iniulat kasi ng Philippine Statistic Authority na pumalo sa 4.9 percent sa nakalipas na buwan ang inflation, 4.0% noong […]