• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BOC, NBI nanguna sa raid ng P250 milyong pekeng luxury goods

PINANGUNAHAN  ng Bureau of Customs (BOC), Customs Intelligence and Investigation Service-Manila International Container Port (CIIS-MICP), at National Bureau of Investigation-Special Action Unit (NBI-SAU) ang isang joint operation noong Biyernes sa Peter Street, Perpetual Village, Las Piñas City kung saan nadiskubre nila ang humigit-kumulang sa P250 milyong halaga ng mga puslit na pekeng luxury items.

 

 

Ayon kay CIIS Director Jeoffrey C. Tacio, na nahaharap sa kasong paglabag sa intellectual property rights (IPR) ang mga sangkot sa pa­memeke ng produkto.

 

 

Nakumpiska ng grupo ang mga smuggled na imported IPR-infringing clothing items, gaya ng shorts, pants, t-shirts, polo shirts, baby apparel, at iba pa. Ang mga items ay imitasyon ng luxury brands na Louis Vuitton, Chanel, Hermes, Gucci, Lacoste, Levi’s, Adidas, Nike, Fila, Champion, Zara, at H&M.

 

 

Nadiskubre rin ang mga IPR-infringing bottles ng mga pabango, gaya ng luxury brands na Jo Malone, Versace, at Lanvin.

 

 

Pinuri naman ni Customs Deputy Commissioner for Intelligence Raniel Ramiro ang operasyon. “We don’t want the country to suffer from a certain reputation that allows infringed goods to get into the market and make a mockery of our laws and systems,” aniya. “This is non-negotiable for us. We’re not only wor­king to protect our borders, but we want to secure our markets, too,” dagdag pa ni Ramir.

 

 

Samantala, aabot naman sa halagang P31.5 milyon ang nasabat na mga peke at hindi rehistradong mga produktong pangkalusugan sa  pagsalakay rin ng Bureau of Customs (BOC) sa dalawang bodega sa Sta. Cruz, Maynila kamakailan.

 

 

Sa ulat na inilabas kahapon, nakasaad na sinalakay ng Customs Intelligence and Investigation Service-Intellectual Property Rights Division (CIIS-IPRD) dalawang bodega sa may Ongpin Street at Fernandez Street sa Sta. Cruz.

 

 

Nagkakahalaga ng P9.5 milyon ang nasabat na produkto sa bodega sa Ongpin habang P22 milyon naman ang nasabat sa Fernandez Street. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • Melindo humihingi ng suporta sa para sa kanyang championship fight

    CEBU CITY-Huhihingi ng dasal at suporta sa mga kabakabayng pinoy si dating IBF at IBO light-flyweight world champion Milan “El Metodico” Melindo para sa pinakahihintay niyang championship fight sa darating na Enero 11, 2023 sa Cebu City Sports Center (CCSC) kung saan kanyang makakaharap ang isang Thailander na regional boxing champion.     Sa exclusibong […]

  • Marcial, Watanabe barong Tagalog isusuot sa opening

    ISUSUOT ng Team Philippines sa opening ceremony ng 32nd Summer Olympic Games 2020 ngayong Hulyo 23 sa Tokyo, Japan ang traditional barong Tagalog na gawa ni world-renowned designer Rajo Laurel.     Magdadala ng bandila ng bansa sina boxer Eumir Felix Marcial at judoka Kiyomi Watanabe sa programang sisimulan sa alas-8:00 nang gabi (alas-7:00 nang […]

  • Tinitilian sa shirtless scenes: JM, nagpakilig at pinamalas na naman ang husay bilang aktor

    GAGANAP bilang Mary Ann Armstrong si Carla Abellana sa Voltes V: Legacy.     Anak ni Mary Ann sina Steve, Big Bert at Little Jon sa kuwento ng Voltes V: Legacy na eere sa GMA ngayong May 8.     Hindi ba na-overwhelm si Carla na tatlong lalakiang anak niya sa series gayong sa tunay […]