• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Brownlee isa na sa mga PBA Greatest Imports

BITBIT ang isa na namang kampeonato, lalong hinigpitan ni Justin Brownlee ang kanyang puwesto sa tuktok bilang isa sa Greatest Imports sa kasaysayan ng PBA.

 

 

May limang kampeonato na ngayon si Brownlee sahog pa ang dalawang Best Import awards matapos ang 3-2 panalo ng Barangay Ginebra kontra sa karibal na Meralco sa katatapos lang na 2021-2022 PBA Governors’ Cup Finals.

 

 

Kumayod si Brownlee ng mga averages na 30.3 points, 11.2 rebounds, 5.4 assists, 1.7 steals at 1.6 blocks sa season-ending conference tampok ang 24 markers, 16 boards, 6 assists, 2 steals at 2 blcoks sa championship-clinching 103-92 win nila sa Game 6.

 

 

Hindi pa natatalo si Brownlee, wagi din bilang Best Import at champion noong 2018 Commissio­ner’s Cup, sa limang salang sa PBA finals simula nang maging resident import ng Gin Kings noong 2016.

 

 

Sumampa na rin si Brownlee sa Top 5 ng All-Time Scoring List para sa mga imports sa PBA sa hawak na 4,539 points sa itaas ni Billy Ray Bates (4,523) na siyang nagbigay ng unang PBA title sa Gin Kings noong 1986.

 

 

Nasa likod ni Brownlee sina Meralco coach Norman Black (11,329), Bobby Ray Parks (8,955), Sean Chambers (8,225) at Lou Masey (5,386).

 

 

“It feels great to be in the company of things in the league. I feel like this is a great league. It’s very established with a lot of history, a lot of great imports and local players. It feels great to keep accomplishing things in this league because it means a lot,” ani Brownlee.

 

 

Sa dami ng Best Imports trophy ay tabla na siya kina Black, Bates, Derrick Brown, Gabe Freeman, Arizona Reid, Jerald Ho­neycutt at Kenny Redfield sa likod nina Parks (7) at Allen Durham (3).

 

 

Matamis na regalo ito para kay Brownlee sa kanyang ika-34 na kaarawan kamakalawa, isang araw matapos ang kampeonato ng Gin Kings subalit higit doon – isa itong malaking karangalan.

Other News
  • PAGSISIYASAT SA DI PAGBABAYAD NG VENUE SA DEBATE, TINATAPOS NA

    INAASAHAN ng Commission on Elections (Comelec) na matatapos ngayong linggo ang pagsisiyasat nito sa kabiguan ng kasosyo nito na magbayad sa hotel na ginamit bilang venue para sa presidential at vice presidential debate nito, sinabi ng isang poll official noong Linggo.     Sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia na pinangunahan ni  Commissioner Rey Bulay […]

  • Lalamove driver 1 pa, kulong sa P272K shabu at baril-barilan

    KALABOSO ang dalawang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga kabilang ang Lalamove delivery matapos makuhanan ng P272K halaga ng shabu sa buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.   Kinilala ni Valenzuela Police Chief Col. Fernando Ortega ang naarestong mga suspek na si Danilo Gonzalez, 48 at Rodney Modejar, 37, Lalamove […]

  • Malakanyang, binalaan ang mga Alkalde laban sa pagpapatigil at pagbasura sa COVID-19 face shield policy

    BINALAAN ng Malakanyang ang mga Alkalde na sasalungat sa mandatory face shield policy para sa mga “crowded and enclosed spaces.”   Ang polisiya ay nananatiling epektibo maliban na lamang kapag sinabi na ng pandemic task force na tigilan na ang paggamit ng face shield.   Ang paalalang ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay matapos […]