• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LTFRB: Guidelines sa window hour scheme ng buses nilinaw

Nilinaw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang guidelines sa “window hour scheme” ng mga provincial buses sa gitna ng pagkalito sa pagpapatupad ng nasabing panuntunan.

 

 

Ayon sa LTFRB, maaari pa rin na magsakay ang mga provincial buses ng mga pasahero mula at papunta sa mga probinisya kahit lagpas na sa window hours na 10:00 ng gabi hanngang 5:00 ng umaga.

 

 

“Provincial buses may use their private terminals from 10:00 p.m. to 5:00 a.m. Beyond those hours, bus drivers and operators can use the designated transport hubs, such as the Paranaque Integrated Terminal Exchange, North Luzon Express Terminal and Sta. Rosa Integrated Terminal,” wika ng LTFRB.

 

 

Kung ang isang pasahero ay pupunta sa probinsiya ng lagpas na sa window hours, kinakailangan lamang na sumakay sila ng city buses papunta sa mga nasabing terminals.

 

 

Nagkaron ng pagkalito ang mga pasahero dahil nagbigay ng paalala ang mga bus companies na ang departures at arrivals ay dapat mangyari lamang sa loob ng window hours. Kung kaya’t umangal ang mga pasahero sa polisia ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na silang nagpatupad dahil na rin sa kakulangan ng advisory mula sa MMDA. Dahil dito ang mga pasahero ay naghintay pa ng matagal na oras upang makasakay lamang ng 10:00 p.m. na trip.

 

 

Pinaliwanag naman ng LTFRB na pinapayagan naman nila ang mga provincial buses na mag operate lagpas ang window hours subalit ang ibang bus companies ay tumigil sa kanilang mga trips. Ayon sa report, maraming mga pasahero ang hindi pinayagan na bumili ng kanilang tickets.

 

 

Diniin naman ni LTFRB executive director Kristina Cassion na walang rason ang mga provincial bus operators na huminto sa kanilang pagbibiyahe kahit lagpas na ang window hours.

 

 

“Bus operators should be responsible enough to abide by their agreement with the MMDA. Their non-compliance is a violation of their special permits and certificate of convenience to operate. We will hold them accountable for this blatant violation,” saad ni Cassion.

 

 

Pinatutupad ng MMDA ang nasabing window hours sa mga provincial buses upang mabawasan ang pagsisikip ng trapiko sa kalakhang Maynila. LASACMAR

Other News
  • Sa Asian Academy Creative Awards: KATHRYN at KOKOY, pambato ng ‘Pinas sa Best Actress at Best Actor

    INIHAYAG na ang National Winners ng ating bansa, na lalaban sa annual Asian Academy Creative Awards.   Magaganap ang awarding sa December 3 and 4, part ito ng Singapore Media Festival.   Nire-recognise ng AACA ang excellence in the film and television industry across 16 nations in the Asia-Pacific region.   This year ang pambato […]

  • Nakababatang kapatid ng hepe ng PNP, itinalaga bilang bagong Wescom commander

    ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Philippine Fleet commander, Rear Admiral Alberto Carlos, bilang bagong commander ng Western Command (Wescom) Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Palawan.     Si Carlos ay nakababatang kapatid ni Philippine National Police (PNP) chief, General Dionardo Carlos.     Sa isang text message, kinumpirma ni Department of […]

  • Europe nasa ceasefire muna sa COVID-19

    NANINIWALA ang World Health Organization (WHO) na malapit ng manahimik ang Europa laban sa COVID-19.     Ito ay dahil sa maraming mga bansa ang nagpatupad ng pagpapaluwag na ng COVID-19 restrictions.     Ayon kay WHO Europe Director Hans Kluge na dahil sa mataas na vaccination rates at ang pagtatapos ng winter ganun din […]