• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang sa DENR, imbestigahan ang Masungi resorts

TINAWAGAN ng pansin ng Malakanyang ang  Department of Environment and Natural Resources (DENR) na imbestigahan ang napaulat na “construction and expansion” ng resort facilities sa Upper Marikina Watershed sa Masungi Georeserve.

 

 

Ayon kay Acting presidential spokesperson Martin Andanar, dapat lamang na imbestigahan ng DENR ang di umano’y illegal quarrying at mining activities sa protected area sa Masungi Georeserve sa Rizal province.

 

 

“Safeguarding the environment and natural resources is an important component in our sustainable development,” ayon sa kalatas ni Andanar.

 

 

Idinagdag pa nito na nag-aalala ang Malakanyang sa napaulat na illegal development activities sa nasabing lugar.

 

 

“We urge the (DENR) Anti-Illegal Logging Task Force to look into the matter and file the necessary charges against violators of environmental laws,” aniya pa rin.

 

 

Ang panawagan na ito ng Malakanyang sa DENR ay matapos na hilingin ng mga environmentalists at educators, sa kanilang joint letter, kina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at acting Environment Secretary Jim Sampulna na suspendihin ang quarrying activities sa Upper Marikina River Basin Protected Landscape sa Rizal.

 

 

Noong nakaraang Pebrero 18, dalawang forest rangers ang nasaktan matapos na atakihin ng di umano’y residente ng Baras, Rizal.

 

 

Sinabi ng Masungi Georeserve Foundation (MGF) na isa sa mga umatake ay empleyado ng resort na nakatanggap ng cease-and-desist order mula sa DENR para sa building illegal structures sa loob ng protected area. (Daris Jose)

Other News
  • 61 simbahan sa Maynila, tututukan ng MPD sa Simbang Gabi

    TINIYAK  ni Manila Police District (MPD) Director P/Brig. General Andre Dizon na sapat ang itatalagang mga uniformed at civilian clothes personnel na magbabantay sa 61 simbahan sa Maynila para sa Simbang Gabi.     Sinabi ni Dizon,  na simula sa Dec. 16, asahan na magi­ging maayos at sapat ang kapulisan na itinalaga sa Quiapo Church,  […]

  • Pinoy netters, hahambalos vs mga Greko

    NARITO na sa bansa si men’s world top 10 lawn tennis player Stefanos Tsitsipas at agad na ipinakita ang kahandaan para pamunuan ang Greece kontra Pilipinas para sa Davis Cup World Group II playoffs sa Biyernes at Sabado sa Philippine Columbian Association (PCA), Plaza Dilao sa Paco, Maynila.   Lagpak sa ikalawang pwesto kay Novak […]

  • Lakers pasok na sa NBA playoffs matapos isalba sa 3-pts ni LeBron

    Binitbit ni NBA superstar LeBron James ang Los Angeles Lakers upang makausad sa No. 7 spot sa playoffs sa Western Conference makaraang itumba ang Golden State Warriors.     Swerteng naipasok ni James ang three point shot may 58.2 second na lamang ang nalalabi sa 4th quarter na siyang naging susi sa kanilang tatlong puntos […]