• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sotto sasabak sa NBA Draft

ITUTULOY ni Kai Sotto ang pangarap nitong makapag­laro sa NBA matapos iha­yag ang pagsabak nito sa 2022 NBA Rookie Draft.

 

 

Mismong ang 7-foot-3 Pinoy cager na ang nagdeklara ng kanyang intensiyong lumahok sa draft sa kanyang post sa social media kahapon.

 

 

“I have declared for the 2022 NBA Draft. Please pray and support me during my quest to fulfill my ultimate dream,” ani Sotto sa kanyang Instagram post.

 

 

Nagpasalamat si Sotto sa pamunuan ng Adelaide 36ers na nagbigay ng tsansa sa kanya para makapag­laro sa Australia National Basketball League (NBL).

 

 

Maraming natutunan si Sotto sa NBL na inaasa­hang dadalhin nito sa panibagong daan na kanyang tatahakin — ang maabot ang pangarap na masilayan sa NBA.

 

 

“To the 36ers ma­nage­ment, my teammates, my coaching staff and my agent Joel Bell, I am a better man and a better professional player than a year ago because you all took me under your wing and challenged and mentored me to live up to expectations,” ani Sotto.

 

 

Hindi rin nakalimutan ni Sotto na pasalamatan ang mga fans na tunay na nagbibigay sa kanyang ng inspirasyon sa oras na tumutuntong ito sa ring.

 

 

Malaki rin ang pasasa­lamat ni Sotto sa kanyang pamilya partikular na sa kanyang mga magulang na patuloy na nakagabay sa bawat hakbang na kanyang tatahakin.

Other News
  • PDu30, pinababawasan sa PAGCOR ang oras ng operasyon ng E- sabong

    PINABABAWASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang oras ng operasyon ng E-sabong.     Para sa Chief Executive, hindi dapat tumakbo ng 24 oras ang operasyon ng E-sabong.     Hindi naman nabanggit ni Pangulong Duterte  kung ilang oras lamang ang dapat na maging operasyon ng nasabing on-line […]

  • Ads October 15, 2022

  • BFP fire truck bidding, iimbestigahan ng DILG

    IIMBESTIGAHAN ng  Department of Interior and Local Government (DILG) ang di umano’y “restrictive” bidding process ng Bureau of Fire Protection (BFP) para sa  fire trucks nito.     Nauna na kasing naghain ang Makabayan Bloc ng batas na nananawagan at humihiling ng imbestigasyon sa  procurement proces sa BFP, sabay sabing ang  “restrictive procurement process practically […]