Pangulong Duterte, kinilala ang tagumpay ng mga manggagawa sa kanyang huling Labor day message
- Published on May 2, 2022
- by @peoplesbalita
KINILALA at pinapurihan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang tagumpay ng manggagawa sa kanyang huling Labor day message bago bumaba sa puwesto sa Hunyo 30.
Maging ang mga hamon ng mga manggagawa ay nabanggit din ng Pangulong Duterte na patulong pa ring kinahaharap ng mga manggagawa.
Ayon pa sa presidente, kahit patapos na raw ang kanyang panunungkulan ay patuloy pa rin naman daw itong committed sa mga tao.
“On this day, we are given the chance to celebrate all the triumphs and progress that the labor movement has accomplished over the years. We are likewise reminded to overcome the challenges by recognizing the rights of our workers and reassessing the systems that may hinder their growth and development. It is my hope that this day recharges everyone as you continue to work for yourselves, your families and our nation,” ani Duterte.
Samantala, pinapurihan din ni House Speaker Lord Allan Velasco ang mga laborers na nagtatrabaho nang marangal para lamang maibigay ang pangangailangan ng kanilang pamilya sa gitna ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
“We extend a special recognition of the low-wage earner who gets by, as well as our medical frontliners and other essential workers who we now realize impact our lives significantly during this pandemic. This occasion also reminds each one of us the importance of working hard in life, and that without hard work, nothing can be achieved,” ani Velasco.
-
Na-hack ba ito o sadyang dinilete: LIZA, wala pang statement sa kung ano talaga ang nangyari sa IG account
NAGBIGAY ng patikim ang limang actors ng stage play na “DickTalk” nang mag-perform ito sa Dengcar Theater ng Mowelfund with some media and show buyers, pero opening pa lang, pasabog na agad ang lima. Although, dahil sobrang lapit ng stage sa audience, si Gold Aceron pa lang ang totoong nagpatikim ng pasabog. […]
-
Ads December 27, 2023
-
Di umano’y CPP acting chair, inaresto sa Quezon City — NSC
INARESTO ng mga awtoridad ang di umano’y acting chairperson ng Communist Party of the Philippines (CCP) sa Fairview, Quezon City para sa kasong ‘kidnapping at murder’. Kinilala ni National Security Council (NSC) National Security Adviser Eduardo Año ang inaresto na si Wigberto “Baylon” Villarico. “We commend the AFP, the PNP, and the NTF-ELCAC […]