• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

52 election-related violence incidents, naitala isang linggo bago ang May 9 election – PNP

NAKAPAGTALA ang Philippine National Police (PNP) ng kabuuang 52 insidente ng election-related violence sa bansa isang linggo bago ang May 9 national at local elections.

 

 

Ayon kay PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, nasa 28 mula sa 52 insidente ng election-related violence ang kumpirmadong walang kinalman sa nalalapit na halalan habang nasa 14 incidents naman ang kasalukuyang iniimbestigahan.

 

 

Aniya, tanging 10 pa lamang ang kumpirmadong election-related incidents.

 

 

Ang apat sa validated election related incidents ay mula sa Ilocos Region, 3 mula sa Zamboanga at isa mula sa central Luzon, Northern Mindanao at Cordillera.

 

 

Nauna rito, iniulat ng Commission on Elections(Comelec) na nasa 104 munisipalidad at 14 lungsod ang inilagay sa ilalim ng red category na itinuturing na highest alert level dahil sa posibilidad ng election-related violence at presensiya ng mga armadong grupo at intense political rivalry.

 

 

Sa ngayon nasa 10 lugar ang nasa kontrol ng comlec dahil sa posibleng mangyaring election-related incidents.

 

 

Nakatakdang magpakalat ang PNP ng mga mahigit 41,000 police personnel sa mga polling centers at Comelec checkpoints sa tiyakin ang seguridad ng halalan sa Mayo 9.

Other News
  • Pagtatanggal sa mga corrupt sa PHILHEALTH, mas magiging madali kung matutuloy ang pagbuwag dito – Malakanyang

    PARA sa Malakanyang, mas madaling tanggalin ang bulok sa PHILHEALTH sa sandaling matuloy ang pagbubuwag dito.   Ito ang binigyang-diin ni Presidential spokesperson Harry Roque sa gitna na rin ng inaasahang malawakang sibakang gagawin sa ahensiya dahil sa isyu ng korupsiyon.   Ani Sec. Roque, kapag na- abolish na ang PHILHEALTH ay mas madali nang […]

  • ‘Censorship ito’: Facebook sinuspinde raw tagapagsalita ni Bongbong Marcos

    SUSPENDIDO raw mula sa Facebook ang account ng tagapagsalita ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na si Vic Rodriguez, ayon sa kanya.     Ang sinasabing pagka-suspinde ay nangyayari ngayong fina-flag ang maraming accounts sa paglabag ng community standards ng social media platform bago halalan.     Ito ang ibinalita ni Rodriguez, Martes, na […]

  • Foreign tourist arrivals sa Pinas, pumalo sa mahigit 1 milyon —DOT

    MAHIGIT isang milyon na international travelers ang dumating sa Pilipinas sa unang tatlong buwan ng 2023.     Sinabi ni Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Frasco na nakikini-kinita na niya ang pagbangon ng tourism sector dahil  1,152,590 international tourists ang bumita sa bansa “as of March 15, 2023.”     “In less than three […]