Calabarzon, todo ang suporta kay Leni Robredo
- Published on May 5, 2022
- by @peoplesbalita
DAAN-DAANG libong mga taga-suporta ni Vice President Leni Robredo ang dumalo sa kanyang mga people’s rally sa Laguna, Cavite, at Batangas nitong mga nakaraang araw patunay na napakalakas ng kanyang kampanya pagka-Pangulo ilang araw bago ang May 9 national elections.
Ang lahat ng mga tao – kasama ang mga naglalakihang artista ay nanindigan na hindi sila bayad para dumalo sa mga rally. Sa katunayan, ang kanilang mga kongresista at iba pang local leaders ay nanguna rin sa pag-endorso kay Robredo bilang susunod na Pangulo ng bansa.
Ayon mismo sa Commission on Elections (Comelec), ang Region 4-A Calabarzon – Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon – ay ang rehiyon na may pinakamaraming nakarehistrong botante. Sa datos ng Comelec, mayroon 9,193,096 na botante sa Calabarzon.
Si Congresswoman Sol Aragones ng ikatlong distrito ng Laguna, inanunsyo ang kanyang suporta para kay Robredo noong grand rally sa Sta. Rosa noong April 29.
Higit sa 225,000 katao ang dumalo sa “Tanglaw Laguna Rally”, isa sa mga pinakamalaking people’s rally ni Robredo.
Si Congressman Dan Fernandez ng unang distrito ng Laguna ay umakyat din ng entablado para iendorso si Robredo sa harap ng daan-daan niyang mga kababayan.
Dumalo rin sa people’s rally sina dating Laguna governor Joey Lina, dating San Pedro Mayor Calix Cataquiz, kumakandidato pagka-San Pablo City mayor na si Amante, at dating former Rizal Mayor Rolen Urriquia.
Sa Cavite kung saan higit sa 100,000 katao ang pumuno ng New City of Dasmariñas Football Field noong Linggo, kasama ni Robredo sa entablado sina Cavite 3rd District Congressman Alex Advincula, Cavite 4th District Congressman Pidi Barzaga, Jr., at ang kanyang misis na si Dasmariñas City Mayor Jenny Austria-Barzaga.
Mga barako naman sa Batangas ang nag-endorso kay Robredo kung saan higit sa 280,000 ang dumalo sa “Barako para kay Leni-Kiko” grand people’s rally na ginanap sa Bauan, Batangas noong April 30.Dito ay inendorso ni Batangas 2nd District Congressman Raneo “Ranie” Abu si Robredo.
-
Mandatory retirement age sa senior workers, giit alisin
NAIS ni Senior Citizens Partylist Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes na tanggalin na ang mandatory age sa pagreretiro ng mga manggagawang senior citizens sa private sector. Isinusulong ng kanyang House Bill (HB) 3220 na i-repeal ang compulsory age na 65 anyos na itinatakda sa Labor Code of the Philippines. Isiningit ni Ordanes […]
-
Itinanggi rin na nagli-live in na ang dalawa: JERIC, nilinaw na apo niya ang kasama sina AJ at ALJUR sa viral photo
SI Jeric Raval mismo ang naglinaw ng tsikang anak nina AJ Raval at Aljur Abrenica ang batang babae na kasama ng dalawa sa isang nag-viral na litrato sa social media kamakailan. “Alam niyo, ang dami kong apo, thirteen, magpu-fourteen na apo ko. “So, yung mga apo ko, sabay-sabay […]
-
Naglabas na ng ‘Official Statement’: ARJO, nag-positive kaya isinugod agad sa hospital dahil sa pre-existing medical condition
NAGLABAS na ng Official Statement ang Feelmaking Productions Inc. tungkol sa isyung kinasasangkutan ngayon ni Arjo Atayde na nag-positive sa COVID-19 habang tinatapos ang bago niyang pelikula sa Baguio City. Sa pinadala na official statement ng Head of Production ng new film outfit na si Ellen Criste binigyan linaw nila ang kumalat na balita. […]