• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Iglesia ni Cristo (INC), opisyal na inendorso ang BBM-Sara tandem

OPISYAL na ng Iglesia ni Cristo (INC) ang tambalan nina presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at vice presidential bet Sara Duterte-Carpio para sa 2022 national elections.

 

 

Inanunsiyo Martes, Mayo 3 ng INC ang kanilang susuportahang kandidato para sa dalawang mataas na posisyon sa gobyerno apat na araw bago ang nakatakdang pagtatapos ng campaign period sa Mayo 7.

 

 

Usap-usapan na rin noon pang buwan ng Pebrero na ang BBM-Sara tandem ang ii-endorso ng INC matapos na isagawa ang proclamation rally nina Marcos at Duterte sa largest indoor arena sa buong mundo, ang Philippine Arena sa Bulacan na pagmamay-ari ng INC.

 

 

Maliban pa sa Marcos-Duterte tandem, inendorso din ng INC ang mga senatorial bets na sina dating PNP chief Guillermo Eleazar, Actor na si Robin Padilla, Jinggoy Estrada, Joseph Victor Ejercito, Senator Miguel Zubiri, Francis Escudero, dating VP Jejomar Binay, House Speaker Alan Peter Cayetano, Senator Sherwin Gatchalian, Mark Villar at Senator Joel Villanueva.

 

 

Ang INC ay kilala sa practice nito na “bloc voting” kung saan ang mga miyembro ng simbahan ay inaasahang iboboto ang kanilang inendorsong kandidato. (Daris Jose)

Other News
  • 2 construction workers, bebot timbog sa Valenzuela buy bust

    TATLONG hinihinalang tulak ng ilegal na droga, kabilang ang 41-anyos na bebot ang nasakote sa magkahiwalay na buy bust operation sa Valenzuela City, kahapon ng umaga. Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen Ponce Rogelio Penones Jr, sinabi ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destutra Jr na alas-10:30 ng umaga nang magsagawa […]

  • Isyu ng Taiwan Strait, hindi maiiwasan na pag-usapan sa ASEAN Summit- PBBM

    HINDI maiiwasan na mapag-usapan  ng mga lider na dadalo sa 42nd ASEAN Summit ang isyu ng tensyon sa Taiwan Strait.     Inamin ng Pangulo na ang usaping ito ay “inevitable, unavoidable” at isang “grave concern” sa lahat ng member-states ng ASEAN.     “Parang inevitable, eh. Unavoidable ‘yung subject matter na ‘yun dahil pare-pareho […]

  • Ads March 12, 2022