PBA awards isasabay sa Season 47 opening
- Published on May 5, 2022
- by @peoplesbalita
MULING isasabay ng Philippine Basketball Association (PBA) ang pagdaraos ng Season 46 Awards Night sa pagbubukas ng Season 47 sa Hunyo 5 sa Smart Araneta Coliseum.
Unang ginawa ito ng PBA noong Marso 8, 2020 kung saan hinirang si June Mar Fajardo ng San Miguel bilang MVP sa ikaanim na pagkakataon kasunod ang mga laro ng Season 45 sa Big Dome.
“It was a great gathering in a great evening enjoyed by everybody, especially the fans,” ani PBA Commissioner Willie Marcial
Matagumpay na nairaos ng liga ang katatapos na Governors’ Cup na pinagharian ng Barangay Ginera laban sa Meralco.
Nagkampeon ang TNT Tropang Giga sa Philippine Cup kontra sa Magnolia sa semi-bubble sa Bacolor, Pampanga.
“For this one, it would also be a celebration of sorts dahil muli nating kasama ang mga fans sa opening ceremony pagkatapos na ma-miss natin sila sa panahon ng pandemya,” ani Marcial.
Automatic MVP contenders na sina Scottie Thompson ng Ginebra at Calvin Abueva ng Magnolia matapos silang hirangin bilang mga Best Player of the Conference winners sa Season 46.
Nakamit ni Thompson ang BPC sa PBA Governors’ Cup at nakuha ito ni Abueva sa Philippine Cup.
Ang iba pang ibibigay ay ang Mythical Selections, Rookie of the Year, Most Improved Player, Sportsmanship Award at Best Defensive Selection.
-
Kahilingan na ipagpaliban ang SSS rate hike, pag-aaralan ng Malakanyang
PAG-AARALAN ng Malakanyang ang naging panawagan at kahilingan ng mga business at labor leaders kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na kaagad na magpalabas ng Executive Order (EO) na magpapaliban sa pagtataas sa monthly Social Security System (SSS) contributions ng mga manggagawa at employers. “Hindi ko alam kung kakayanin ‘yan ng EO kasi ang pinapaliban […]
-
Commemorative stamps ni Hidilyn Diaz at 3 pang Olympians, inilunsad na – PhilPost
Pormal nang inilunsad ng Philippine Postal Corporation (PhilPost) ang commemorative stamps bilang pagkilala sa mga Filipino champions na nakagawa ng kasaysayan sa katatapos lamang na 2020 Tokyo Olympics. Tampok sa naturang stamps ang kauna-unahang atleta ng bansa na nakasungkit ng gold medal sa Olympics na si Hidilyn Diaz. Kasama rin dito […]
-
PVL teams naghahanda na sa balik-ensayo
Naghahanda na ang mga teams sa Premier Volleyball League (PVL) sa pagbabalik training dahil inaasahang papayagan na ito ng Inter-Agency Task Force (IATF) matapos magpasyang maging professional league na ang liga. Base sa panuntunan ng IATF, tanging ang mga koponan lamang sa professional leagues ang pinahihintulutang makapagbalik sa ensayo sa ilalim ng mahigpit na […]