65.7 milyong Pinoy pipili na ng mga bagong lider
- Published on May 9, 2022
- by @peoplesbalita
NASA 65.7 milyong mga botanteng Pilipino ang inaasahang dadagsa ngayon sa iba’t ibang ‘polling precints’ ng Commission on Elections (Comelec) para pumili ng mga bagong lider ng bansa ngayong 2022 National at Local Elections.
Sinabi ni Comelec Chairman Saidamen Pangarungan na “all systems go” na sila maging ang mga katuwang na ahensya ng pamahalaan kabilang ang Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), at ang Department of Education (DepEd).
Kahapon, personal na ininspeksyon ni Pangarungan ang Comelec Election Monitoring and Action Center (CEMAC) sa Parañaque at ang Philippine International Convention Center sa Pasay City, kung saan gaganapin ang ‘canvassing’ para sa senatorial at party-list elections.
Tuluy-tuloy pa rin naman ang pagkukumpuni ng Comelec sa mga depektibong ‘vote counting machines (VCMs)’. Sinabi ni Commissioner George Garcia na 632 sa 790 nasirang VCM na ang kanilang nakukumpuni nitong nakaraang Sabado.
Ayon naman kay Atty. John Rex Laudiangco, bagong spokesman ng Comelec, na 106,174 VCMs o 85 porsyento na ang naisailalim sa ‘final testing and sealing (FTS)’.
Bukod sa 65.7 na lokal na botante, nasa 1.7 milyong mga Filipino rin ang nauna nang bumoto sa ibang bansa sa pamamagitan ng ‘overseas absentee voting’.
Nasa 18,000 posisyon sa national at lokal na pamahalaan ang pupunuan ng mga botante mula Pangulo hanggang miyembro ng Sangguniang Pambayan o mga konsehal. (Daris Jose)
-
Itatagal volcanic smog mula sa Bulkang Taal, hindi pa matukoy – PHIVOLCS
HINDI pa matukoy sa ngayon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology kung hanggang kailan magtatagal ang nararanasan volcanic smog mula sa Bulkang Taal. Ayon sa PHIVOLCS, hangga’t nagpapatuloy ang pagbubuga ng sulfur dioxide ng Bulkang Taal ay magtutuluy-tuloy din ang nararanasang vog sa ilang bahagi ng Luzon. Ayon sa ahensya, […]
-
Kahit naunahan na ng ibang kasabayang sexy stars: JELA, naghihintay lang ng tamang project na babagay
SABI ng National Artist for Film and Broadcast Arts na si Ricky Lee dumami raw ang mga imbitasyon sa kanya para maging commencement speaker since he was named National Artist. Mas marami rin ang nakakakilala sa kanya. Kaya lang hindi siya sanay sa ganitong situation kasi napopokus ang atensiyon sa kanya. Mas gusto […]
-
Blended learning, patuloy na gagamitin sa PH para sa susunod na school year – DepEd
PATULOY pa ring gagamitin ng Department of Education (DepEd) ang blended learning sa bansa para sa susunod na school year. Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones na hindi parin aalisin ang blended learning sa kabila ng paghihikayat sa lahat ng public at private schools na magsagawa na ng in-person classes para sa school […]