Lahat ng 10 Pres’l candidates, nakaboto na; Sen. Ping Lacson, ‘early bird’
- Published on May 9, 2022
- by @peoplesbalita
BAGO pa man mag-tanghali kanina, nakaboto na ang lahat ng 10 kandidato sa pagka-Pangulo.
Nabatid na si Sen. “Ping” Lacson ang pinakaunang bumoto sa presidentiables kung saan alas-7:00 pa lamang kaninang umaga nang magtungo ito sa kanilang presinto sa Imus, Cavite.
Narito pa ang mga Presidential candidate na nakapagsumite na ng kani-kanilang balota.
Ka Leody De Guzman sa Cainta, Rizal
Ex-Sen. “Bongbong” Marcos sa Ilocos Norte
Vice President Leni Robredo sa Camarines Sur
Mayor “Isko” Moreno sa Tondo, Maynila
Sen. Manny “Pacman” Pacquiao sa Sarangani
Former Pres’l spokesperson Ernesto Abella sa Silang Junction West, Cavite
Former Defense Secretary Norberto Gonzales sa Bataan
Faisal Mangondato sa Lanao del Sur
Atty. Jose Montemayor Jr., sa Pampanga
Habang sa pagka-bise presidente, nakaboto na ang mga sumusunod:
Mayor Sara Duterte sa Davao City
Dr. Willie Ong sa Dasmariñas Village Clubhouse sa Makati City
Sen. “Kiko” Pangilinan sa Cavite
Ex-Congressman Walden Bello
Senate President Tito Sotto III
Buhay Party-list Rep. Lito Atienza sa San Andres Bukid, Maynila
Samantala ang ibang kilalang personalidad na nakaboto na ay sina “Chiz” Escudero, Sen. Leila de Lima, Quezon City Mayor Belmonte, at iba pa.
-
P154 B railway project bukas sa PPP
MULING naging interesado ang mga pribadong sektor na mag-invest sa dalawang proyekto sa railways na nagkakahalaga ng P154 billion sa ilalim ng public-private partnership (PPP). “The policy shift to PPP could pave the way for private proponents of the East-West rail project and the Metro Rail Transit Line 11 (MRT-11) project to pursue […]
-
Pagpatay sa 18-anyos na estudyante, nasaksihan ng sariling ina sa Malabon
LABIS na kalungkutan ang dinaranas ng isang 56-anyos na ina matapos matuklasan na ang sarili pala niyang anak na 18-anyos na lalaki ang biktima sa nasaksihang malagim na pagpatay sa Malabon City, Huwebes ng madaling araw. Nadiskubre ang walang buhay na katawan ni John Michael Legaspi, residente ng 258 Dulong Hernandez St. Brgy. […]
-
Ads March 5, 2020