• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

10 arestado sa P292K shabu sa Valenzuela

NASAMSAM sa sampung hinihinalang sangkot sa ilegal na droga ang halos P.3 milyon halaga ng shabu matapos maaresto sa magkakahiwalay na drug operation ng pulisya sa Valenzuela City.

 

 

Ayon kay P/Lt. Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valennzuela police, dakong alas-3:30 ng madaling araw nang matimbog ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni P/Lt. Doddie Aguirre sa buy bust operation sa East Service Road, Brgy. Paso De Blast dakong alas-3:30 ng madaling araw si Glen Perciano, 41 at Philip Wayne Matthews, 24, matapos bintahan ng P500 halaga ng shabu si PCpl Maverick Jake Perez na umakto bilang poseur-buyer.

 

 

Ani PCpl Pamela Joy Catalla, nakuha sa mga suspek ang humigi’t-kumulang 18 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P122,400, marked money, P1,200 cash, dalawang cellphones at coin purse.

 

 

Nauna rito, dakong alas-4:30 ng hapon nang madakma din ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation sa Galas St., Brgy. Bignay si Jhovinal Mosa alyas “Boga”, 40, (miyembro ng Rodriguez Drug Group) matapos bintahan ng P500 halaga ng shabu ang isang police na umakto bilang poseur-buyer.

 

 

Nakumpiska sa kanya ang tatlong transprent plastic sachets na naglalaman ng nasa 11 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P74,800, buy bust money at coin purse.

 

 

Habang nasakote din ng isa pang team ng SDEU sa buy bust operation sa Blk 1 Lot 6 Galas St., Northville 2, Brgy. Bignay dakong alas-8:00 ng umaga si John Michael Macario,18, at Jocelyn Abocot, 38.

 

 

Ayon kay PSSg Ana Liza Antonio, nakuha sa kanila ang tatlong transparent plastic sachets na naglalaman ng nasa 10 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P68,000 at P500 marked money.

 

 

Sa Brgy. Ugong, naaktuhan ng pang-apat na team ng SDEU sa pangunguna ni P/Lt. Madregalejo na sumisinghot umano ng shabu sina Arnold Estrada alyas “Buboy”, 53, asawa niyang si Rona Estrada, 55, Arjay Martinez “Perry”, 36, Khim Claire Vergara alyas “Claire”, 22 at Avelino Dantes “Abling”, 60, sa loob ng isang bahay sa No. 1134 A. Bernardino St., dakong alas-10:40 ng umaga.

 

 

Narekober sa kanila ang isang plastic transparent plastic sachet na naglalaman ng nasa 4 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P27,200, cellphone at ilang drug paraphernalias. (Richard Mesa)

Other News
  • Ads January 22, 2021

  • 44 na ang sugatan, 18,000 pamilya ang apektado matapos ang malakas na lindol sa Abra

    UMAKYAT  na sa 44 katao ang napaulat na nasugatan matapos tumama ang malakas na magnitude 6.4 na lindol sa lalawigan ng Abra at sa ibang parte ng Northern Luzon.     Ayon sa latest report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa 32 katao ang naitalang sugatan mula sa Cordillera Administrative Region […]

  • Speaker Romualdez: Malasakit ni PBBM sa magsasaka, mamimili nakita sa utos nito sa NFA na bumili ng palay sa mataas na presyo

    ANG UTOS umano ni Pangulong Marcos sa National Food Authority na mamili ng palay sa mataas na presyo ay makatutulong sa mga magsasaka at sa pagpapanatili ng presyo ng bigas, ayon kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez.     “This shows the malasakit our President has towards our farmers who have been working very hard for […]