• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ilang sangkot sa korapsyon sa DPWH, patay o retirado na

PATAY na o kaya naman ay retirado na ang ilan sa mga pangalan ng  Department of Public Works and Highways (DPWH) personnel na nasa listahan na sinasabing di umano’y sangkot sa korapsyon.

 

Sa briefing na isinagawa  para sa pagtugon ng pamahalaan sa bagyong Ulysses ay isinambulat ni Pangulong Rodrigo Roa  Duterte ang korapsyon sa loob ng  DPWH makaraang may lokal na opisyal ng  Camarines Sur ang nagpalutang ng ideya na magtayo o maglagay ng  Bicol River basin para labanan ang tubig-baha.

 

Sinabi ng opisyal na ang proyekto ay mangangailangan ng koordinasyon ng DPWH, Department of Environment and Natural Resources at provincial government.

 

“Please understand that I do not have anything against [DPWH Secretary Mark] Villar. He’s very honest, he’s very good. Very industrious. Problem is, DPWH is inhabited with mga demonyo,” ayon kay Pangulong Duterte.

 

Sa ulat, makailang ulit na sinasabi ng Pangulo ang talamak na korapsyon sa DPWH dahilan para ipag-utos niya ang pag-audit ng mga proyekto nito habang nagsasagawa ng imbestigasyon ang  task force ukol sa korapsyon sa pamahalaan.

 

Gayunman, ipinaalam naman ng local na opisyal kay Pangulong  Duterte na ilan sa mga  DPWH personnel na sinasabing dawit sa korapsyon ay patay na o retirado na sa serbisyo.

 

“Excuse me, Mr. President. ‘Yun pong mga nakarating sa iyo na pangalan ng supposed to be corrupt officers of DPWH, ang iba po sa kanila patay na… ang iba po nag-retire na,” anito.

 

“Buti, kundi patayin na lang natin,” ang tugon naman ng Pangulo na dahilan para magtawanan ang lahat na kasama sa briefing.

 

Matatandaang, pinalawig ni Pangulong  Duterte ang coverage ng imbestigasyon ng government-wide corruption kabilang na ang DPWH.

 

Sa kabila ng kanyang deklarasyon na  contempt of corruption sa ahensiya ay nananatili naman ang trust and confidence ng Pangulo kay DPWH Sec. Mark Villar. (Daris Jose)

Other News
  • Thailand ibabalik na ang ‘quarantine-free’ scheme

    NAKATAKDANG ituloy ng Thailand ang quarantine-free travel scheme sa Pebrero 1.     Ang nasabing scheme ay temporaryong inihinto dahil sa bahagyang pagtaas ng kaso ng Omicron coronavirus variant.     Sinabi Thailand COVID-19 task force spokesperson Taweesin Visanuyothin na ang mga fully vaccinated travelers ay maaari ng makapasok sa kanilang bansa sa ilalim ng […]

  • Saunders sasailalim sa operasyon sa mata matapos ang pagkatalo kay Alvarez

    Nanganganib na matapos na ang boxing career ni Billy Joe Saunders matapos ang pagkatalo nito kay Canelo Alvarez.     Nagtamo kasi ang 31-anyos na si Saunders ng matinding pinsala sa kaniyang kanang mata matapos ika-walong round na pagkatalo nito kay Alvarez.     Agad na itinakbo naman sa pagamutan si Saunders matapos ang laban […]

  • NET 25, patuloy ang paghataw ngayong 2023: Bagong ‘Oppa ng Bayan’ na si DAVID, bibida sa sitcom na ‘Good Will’

    ANO nga ba ang tunay na kahulugan ng mana?  Ito ba’y nasusukat lamang sa yaman o dami ng ari-arian? Sapat na ba ito para mabuhay nang ‘happy ever after?’ O meron bang mas makahulugang aral na hihigit pa sa makamundong pamumuhay? Meron nga bang kaligayahang hindi mabibili o matutumbasan ng salapi? Ito ang kuwento ni […]