• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Saludo sa asawa at sa lahat ng mga nanay.: DENNIS, pinasilip na ang first photo ni Baby D na kamukha ni JENNYLYN

PINASILIP na ni Dennis Trillo ang first photo ng anak nila ni Jennylyn Mercado,na si Baby D sa mismong araw ng mga ina.
Caption ni Dennis, “Araw mo ngayon mahal ko, gusto ko lang sabihin na napaka swerte ng anak natin na ikaw ang Mama niya. Deserving ka talaga na magkaroon ng isang pang napaka gandang anak na kamukha mo.
“Salamat sa lahat ng hirap at sakripisyo mo, alam kong hindi naging madali. Saludo ako sayo at sa lahat ng mga nanay na kagaya mo… Kaya ni-rerespeto, pinapahalagahan at mahal na mahal kita.
“Happy Mother’s Day! I love you.”
 
Pinusuan naman ito ng celebrity friends at netizens, at umapaw din ang pagbati ng ‘Happy Mother’s Day.
 
***
 
NAG-POST naman si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ng sa kanyang IG ng family picture kasama ang asawang si Marian Rivera-Dantes at dalawang anak na sina Zia at Sixto.
 
Nilagyan niya ito ng caption na, “Ang reyna ng aming tahanan. Happy mother’s day, Love.”
Nareplayan naman ito ng Kapuso Primetime Queen, “Love you mahal 🥰 salamat sa walang hanggang pagmamahal ♥️.”
Inulan din ng pagbati mula sa netizens na tuwang-tuwa sa Dantes Squad, dahil nakakainggit naman talaga na parang nasa kanila na ang lahat, at wala pa talagang mapipintas sa pamilya, na patuloy ding dinadagsa ng blessings.
Samantala, sa Sabado, May 14 na ang simula ng first sitcom ng Kapuso Royal Couple na Jose and Maria’s Bonggang Villa.
(ROHN ROMULO)
Other News
  • Presyo ng gasolina sisirit uli; diesel, kerosene may katiting na rollback

    Panibagong bigtime price hike ang ipatutupad ngayong araw ng mga lokal na kumpanya ng langis sa presyo ng gasolina na ika-10 sunod na linggo na ng pagtaas.     Samantala may kaunting rollback naman sa mga produktong diesel at kerosene.     Ang Chevron Philippines ay magpapatupad ng P1.15 dagdag sa kada litro ng unleaded […]

  • BINISITA at kinamusta ni Mayor John Rey Tiangco

    BINISITA at kinamusta ni Mayor John Rey Tiangco, kasama ang ibang pang mga opsiyal ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang mga pamilyang naapektuhan ng sunog na karamihan ay pansamantalang nanunuluyan sa basketball court ng Tanza National High School. Nagbigay din si Mayor Tiangco at Cong. Toby Tiangco ng tulong pinansyal sa mga nasunugan, pati na […]

  • ALESSANDRA, nagwagi na rin ng Best Actress sa ‘Gawad Urian’ after ng ilang beses na na-nominate

    CONGRATULATIONS sa lahat ng winners ng Gawad Urian.     Top acting winners sina Alessandra de Rossi (Best Actress) for Watch List (na finally ay nagwagi na rin after na ilang beses na siyang na-nominate na naturang category), Nanding Josef (Best Actor) for Lahi, Hayop, Hazel Orencio for Lahi, Hayop and Dexter Doria for Memories […]