• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Eleksiyon 2022, mapayapa sa pangkalahatan

NAGING mapayapa sa pangkalahatan ang pagdaraos ng 2022 national and local elections (NLE) sa bansa.

 

 

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, ‘gene­rally peaceful’ ang kanilang assessment sa May poll situation, sa simula pa lang ng election period noong Enero 9 hanggang aktuwal na araw ng halalan kahapon, dahil kakaunti lang ang napaulat na ‘election-related incidents’.

 

 

“Siguro if I’m not mistaken more or less mga 16 incidents lang ano ‘yung election related incidents. If you will compare this with previous elections, mababang-mababa ito and hopefully ay matapos ‘yung eleksyon ngayong araw (Mayo 9), wala na sanang mga violence na magaganap,” sabi ni Año, sa isang panayam.

 

 

Kabilang sa mga insidente ng karahasan na kanilang natanggap ay ang naganap sa Buluan, Maguindanao, kung saan isang miyembro ng Barangay Peace Action Keeping Team (BPAT) ang patay habang sugatan ang kasamahan nito nang pagbabarilin ng mga armadong lalaki sa kasagsagan ng araw ng halalan.

 

 

Samantala, sa Surigao del Norte, nahuli aniya ng lokal na pulisya ang may 12 armadong lalaki na pinaniniwalaang taga-suporta ng isang kandidato.

 

 

Nilinaw din niya na hindi maaaring basta-basta papasok sa mga polling precinct ang mga unipormadong tauhan hangga’t hindi nagre-request ang Comelec para sa kanilang interbensyon.

 

 

Tiniyak ng DILG chief na magsasampa ang Philippine National Police (PNP) ng mga kasong kriminal sa Comelec at naghahain din ng mga kaso ng disqualification laban sa mga political bet na gumawa ng mga paglabag na may kaugnayan sa halalan.

 

 

Magpapatuloy pa rin aniya ang mga kasong isinampa laban sa mga rogue political bets sa May 2022 polls kahit pagkatapos ng national at local elections. (Daris Jose)

Other News
  • Gumawa ng bagong YouTube account na ‘Mamang & Malia’: POKWANG, wala ng kaugnayan sa mga joint social media account nila ni LEE

    INAMIN ni Rhian Ramos ang nangyaring hiwalayan at balikan nila ng businessman-turned-politician na si Sam Verzosa.   Sa pagkakataong ito, napag-uusapan na kaya ng dalawa ang magpakasal?   Aminado ang ‘Royal Blood’ star na nagkulang sila sa komunikasyon ng nobyo na kinatawan ngayon ng isang party-list group sa Kamara de Representantes.   “What happened was, […]

  • NBA DRAFT MAGIGING VIRTUAL NA

    MAGIGING virtual fashion na ang gagawing NBA draft para sa 2020-2021 season.   Ayon kay NBA commissioner Adam Silver, gagawin ito sa ESPN studio sa Bristol, Connecticut sa darating na Nobyembre 18.   Makakasama ni Silver si NBA deputy commissioner Mark Tatum para ianunsiyo ang mga selections sa una at pangalawang rounds.   Ang mga […]

  • LAGUSNILAD UNDERPASS SA MAYNILA, ISASAILALIM SA REHABILITASYON

    NAGLAAN ang lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila ng pondo para sa rehabilitasyon at pagsasaayos ng Lagusnilad vehicular underpass na matagal nang nakatiwangwang na inumpisahan noon pa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) subalit sa hindi malamang dahilan ay nabimbin ang pagsasaayos na nagdudulot ng pagsisikip ng daloy ng trapiko.     Ayon […]