• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DepEd sinita ang corrupt allegation ni Pacquiao, sinabing ‘false accusation’

PINAGALITAN ng Department of Education (DepEd) si presidential candidate at Senador Manny Pacquiao sa pag-akusa nito sa ahensiya bilang “the most corrupt in government.”

 

 

Sa isang kalatas, sinabi ng DepEd na ang di umano’y “wrongdoing unsupported by specific facts” ay katumbas ng false accusation.

 

 

Sa isinagawang taped interview para kay KBP-Comelec Pilipinas Forum 2022 na in-ere noong Mayo 6, ginawang halimbawa ni Pacquiao na may isang DepEd official na di umano’y nagde-demand ng illicit payments, subalit tumanggi naman ito na pangalanan.

 

 

“As a public servant, the good senator has every right, legally and morally to assail and put to question whatever wrongdoing, any person or instrumentality of the government for that matter in his quest to eradicate graft and corruption in the bureaucracy,” ayon sa DepEd.

 

 

Ang departamento, sa kabilang banda, ay nagpahayag na hindi dapat kondenahin ni Pacquiao ang buong ahensiya.

 

 

“While there might still be bad eggs within the organization, the leadership of the Department has seen fit to charge these known implicated and remove those found guilty. It is not, therefore, the time to condemn the whole institution,” anito. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • Ads April 4, 2023

  • Isiniwalat ang ‘modus’ para maging babala: ARCI, nanakawan ng credit card sa loob ng eroplano

    SA pamamagitan ng kanyang TikTok account, ikinuwento ni Arci Muñoz ang kanyang nakatatakot na karanasan sa loob ng eroplanong sinakyan pabalik ng Pilipinas.     Nilagyan niya ito ng title na, ‘Horror Story in the Sky.’     “Hi, let me tell you a story about the experience I had going back home from Japan,” […]

  • Mas marami ng mga Bulakenyo ang makikinabang sa serbisyong medikal

    LUNGSOD NG MALOLOS – Mas marami ng mga Bulakenyo ang makikinabang sa serbisyong medikal makaraang pasinayaan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Gobernador Daniel R. Fernando ang bagong Outpatient Department ng Bulacan Medical Center sa isang programa na isinagawa sa bagong OPD building na matatagpuan sa Bulacan Medical Center Compound, Brgy. Guinhawa dito […]