30% dagdag sa sahod ng mga papasok sa trabaho sa May 9 – DOLE
- Published on May 11, 2022
- by @peoplesbalita
MAKAKATANGGAP ng dagdag na 30% sa suweldo ang mga empleyadong pumasok at nag-duty sa trabaho sa araw ng halalan.
Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ito ay makaraang ilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation No. 1357 na nagdedeklara sa Mayo 9, 2022 national and local elections bilang isang ‘Special (Non-Working) Holiday.
“We highly encourage our workers who are registered voters to exercise their rights to suffrage, and if they will report to work on May 9 after casting their votes, they must receive an additional 30 percent in their daily pay,” ayon kay Bello.
Makakatanggap ng dagdag na 30% sa suweldo ang mga empleyadong pumasok at nag-duty sa trabaho ngayong araw ng halalan.
Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ito ay makaraang ilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation No. 1357 na nagdedeklara sa Mayo 9, 2022 national and local elections bilang isang ‘Special (Non-Working) Holiday.
“We highly encourage our workers who are registered voters to exercise their rights to suffrage, and if they will report to work on May 9 after casting their votes, they must receive an additional 30 percent in their daily pay,” ayon kay Bello.
Sa ilalim ng Chapter III, Article 94 ng Labor Code, kung hindi papasok ang isang empleyado, ia-aplay sa kaniya ang prinsipyo ng ‘no work, no pay’ maliban na lang kung may espesyal na polisiya ang kumpanya tulad ng nakapaloob sa ‘collective bargaining agreement (CBA)’.
Para sa mga pumasok sa trabaho, babayaran sila ng dagdag na 30 porsyento ng kanilang ‘basic pay’ sa unang walong oras [(basic wage x 130%) + COLA].
Para naman sa mga lalagpas ng walong oras o mag-o-overtime, babayaran sila ng dagdag pa na 30 porsyento ng ‘hourly rate.
Sa mga magtatrabaho naman na babagsak sa kanilang ‘day off’, babayaran sila ng dagdag na 50% ng kanilang basic pay.
-
Mga aktibidad sa Chinese New Year, kanselado sa Maynila
WALA na ring magaganap na anumang kasiyahan at aktibidad sa darating na Chinese New Year sa Maynila bilang bahagi pa ng pag-iingat na magkahawaan ng COVID-19. Kabilang sa mga ipinagbawal ni Manila City Mayor Isko Moreno ang tradisyunal na mga parada, lion at dragon dance, pagsisindi ng mga paputok sa kalsada, street parties, […]
-
Malaking alokasyon sa DA sa 2023 budget
IKINAGALAK ni House Committee on Agriculture Chairman at Quezon Rep. Mark Enverga ang panukalang 40% increase ng executive branch sa budgetary allocation ng Department of Agriculture (DA) sa 2023 National Expenditure Program (NEP). “Masayang masaya kami coming from an agricultural sector magandang balita po para sa ating mga magsasaka yung 39% ang itinaas […]
-
Ads September 17, 2022