Duque: P290-M ang kailangan para maayos ang binagyong health facilities sa Bicol
- Published on November 18, 2020
- by @peoplesbalita
Umapela ng pondo ang Department of Health (DOH) sa pamahalaan para sa pagsasa-ayos ng kanilang mga pasilidad at ospital sa Bicol region na sinalanta ng mga nagdaang bagyo.
Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, aabot sa P290-million ang kakailanganing pondo para maayos ang pinsalang idinulot ng sunod-sunod na bagyo sa kanilang mga pasilidad.
Kabilang na dito ang DOH-Center for Health Development-Bicol, Retained Hospitals at Treatment and Rehabiltation Centers, LGU Hospitals, Rural Health Units at Barangay Health Stations.
“One of the priorities is to repair the damage of isolation and quarantine facilities sa probinsya ng Albay, Camarines Sur, Camarines Norte aabutin ng P11.2-million,” ani Duque sa situatioin briefing kasama si Pangulong Rodrigo Duterte nitong Linggo.
“We need the money right away kasi this is a basic service thar needs immediate attention and repair is in order.”
Nakapamahagi na raw ang ahensya ng P40-million na halaga ng logistical assistance sa anim na probinsya ng rehiyon, pati na sa Naga City. Ilan sa kanilang ipinamahagi ay mga gamot, hygiene kits, at collapsable water containers.
Naambunan din ng tulong ng nasabing pondo ang mga pasilidad tulad ng Bicol Regional Training Teaching Hospital, Bicol Medical Center, at Bicol Region General Hospital and Geriatric Medical Center.
“Marami na rin tayong nagawa for post-disaster in areas of public health and medical services, nutrition complementing DSWD, and also water and sanitation hygiene services for affected communities, and mental health and psychosocial services.”
Tiniyak ng Health secretary na may sapat din na supply ng gamot ang rehiyon para sa mga binabantayang sakit tuwing panahon ng tag-ulan tulad ng leptospirosis, at iba pang communicable diseases.
Hinimok naman ni Pangulong Duterte ang mga ahensya ng pamahalaan na bilisan ang proseso ng paglalabas ng mga kailangang pondo sa pagbangon ng mga sinalanta ng mga nagdaang bagyo.
“Ang problema lang historically is that government moves slowly, especially the national government… So itong pangyayari, kung mabilisan ninyo, cut the time to something like half or more than.”
-
NO 1 MWP NG MPD ARESTADO
NAARESTO ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) ang isang lalaki na itinuturing na number 1 most wanted person (MWP) ng MPD- Station 7. Madaling araw ng Martes nang madakma si Willy Boy Centeno , 31, tricycle driver, at residente sa Daang Bakal, Tondo, Maynila sa busa ng warrant of arrest . […]
-
SC: Inutos na ihinto ang ticketing system ng mga LGUs, sundin ang single ticketing ng MMDA
PINAG-UTOS ng Supreme Court (SC) na ihinto ng mga Local Government Units (LGUs) ang pagpapatupad ng kanilang ticketing system at sundin ang single ticketing system ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). Ang single ticketing system ng MMDA ay nagpapatong ng “standardized” na fines at penalties para sa mga traffic violations sa Metro […]
-
‘James Bond’ Producer Says Next 007 Actor Decision Will Take Time
BARBARA Broccoli, the producer of the James Bond series, admits that deciding on the next 007 actor is a significant decision and will take time. Most recently, the secret agent has been portrayed by actor Daniel Craig since 2006, beginning with Casino Royale. Craig’s portrayal of the character won him critical acclaim from fans and critics alike, […]