Landslide victory kina BBM, Sara asahan
- Published on May 12, 2022
- by @peoplesbalita
TULOY ANG pagbabalik sa Malacañang ni dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos dahil sa inaasahang “landslide victory” kasama ng kanyang running-mate na si Davao City Mayor Sara Duterte.
Sa “partial at unofficial tally” mula sa transparency server ng Comelec dakong alas-7:32 kagabi na may 98.09% ng Election Returns, nakakalap na ng 31,036,142 boto si Marcos na napakalayo kay Vice President Leni Robredo na mayroon lamang 14,790,393 boto.
Nasa malayong ikatlong puwesto si Sen. Manny Pacquiao (3,626,198), ikaapat si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso (1,887,770), at ikalima si Sen. Ping Lacson (880,765).
Nakapagtala naman si Duterte ng 31,482,073 boto na higit na malayo kay Sen. Kiko Pangilinan na mayroon lamang 9,212,988 boto at Senate President Vicente Sotto III na nakakalap naman ng 8,172,793, Doc Willie Ong 1,843,554 at Lito Atienza 266,921.
Nauna nang pinasalamatan ni Marcos ang mga botanteng sumuporta sa kanya sa isang talumpati sa kaniyang ‘campaign headquarters’ sa Mandaluyong City.
“Ngunit kahit hindi pa tapos nga ang pagbilang, hindi makapag-antay ang aking pasasalamat sa inyong lahat—ang aking pasasalamat sa lahat ng tumulong, sa lahat ng sumapi sa aming ipinaglaban, sa inyong sakripisyo, sa inyong trabaho at sa binigay ninyo sa amin na oras, na kakayahan,” saad ni Marcos.
Para naman kay Duterte, sinabi ng kanyang tagapagsalita na si Cristina Frasco na punum-puno rin ng pasasalamat ang alkalde ng Davao sa lahat ng botante, volunteers, parallel groups, mga lokal na lider na tumaya sa kaniya at kay Marcos.
Sinabi rin niya na handa si Duterte na iabot ang kaniyang kamay sa mga nakatunggali upang matupad ang pangako na tunay na pagkakaisa sa bansa.
“Mayor Inday Sara has always been a unifier and that has been her message all along together with our next president Bongbong Marcos and so I have no doubt that we move of the next administration will be one that is anchored on unity no matter the political divisions this past elections,” ayon kay Frasco. (Daris Jose)
-
Higit 60K dumalo sa ‘Pure Love’ rally ng ‘KakamPing’ sa QCMC
TINATAYANG umabot sa mahigit 60,000 mga Pilipino na nagnanais ng bagong liderato ang dumagsa sa Quezon City Memorial Circle (QCMC) noong Sabado (Abril 9) para ipakita ang kanilang pagsuporta sa kandidatura nina presidential bet Panfilo ‘Ping’ Lacson at running mate na si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III. Tinaguriang ‘Pure Love’ ang nasabing […]
-
Navotas Youth Camp
INILUNSAD ng pamahalaang lungsod ang Navotas Youth Camp para sa mga kabataang Navoteño upang tamasahin ang kanilang bakasyon sa paaralan habang hinahasa ang kanilang mga kasanayan sa palakasan at sining, bilang bahagi ng 17th Navotas cityhood anniversary. Pinuri naman ni Mayor John Rey Tiangco ang mga kalahok sa pagsusumikap sa kanilang school break. Nasa 477 […]
-
Richard Bachmann inilatag na kanyang plano para sa PSC
Inilatag ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Richard Bachmann ang four-point plan para sa mga nakatutok na aksyon ng ahensya sa mga darating na buwan. “Nandito ako para pagsilbihan ang mga atleta at magsilbi sa sports, wala nang iba pa” giit ni Bachmann sa kanyang pambungad na mensahe. 4-POINT PLAN Ang kanyang […]