PNP, umapela sa mga nagnanais magkasa ng mga kilos protesta na gawin ito sa tamang lugar
- Published on May 12, 2022
- by @peoplesbalita
IGINAGALANG ng Philippine National Police o PNP ang karapatan ng bawat Pilipino na maghayag ng kanilang saloobin, salig sa itinatadhana ng Saligang batas.
Ito’y kasunod ng mga banta ng iba’t ibang grupo na magkilos protesta para tutulan ang isang partikular na kandidato na lumalamang ngayon sa bilangan.
Ayon kay PNP Director for Operations at Deputy Commander ng Security Task Force for National and Local Elections, P/MGen. Valeriano de Leon, hindi naman nila pipigilan ang anumang uri ng pagkilos lalo na kung ito’y paghahayag ng saloobin bilang bahagi ng demokrasya.
Gayunman, umaapela si de Leon sa mga nagnanais na magkasa ng mga pagkilos na maging mahinahon at tiyaking hindi ito makaaabala sa mas nakararami lalo pa’t balik normal na muli ang sitwasyon matapos ang Hatol ng Bayan.
Una rito, ibinabala ni PNP Officer-In-Charge, P/LtG. Vicente Danao Jr na sakaling may mga magmatigas pa rin at magpumilit na balewalain ang batas ay gagamitin ang kanilang buong puwersa para papanagutin ang mga nasa likod nito. (Daris Jose)
-
2 pang Mpox cases naitala sa Metro Manila
NAKAPAGTALA pa ang Department of Health (DOH) ng dalawang bagong Mpox cases sa Metro Manila. Ayon sa DOH, ang dalawang bagong kumpirmadong kaso ng Mpox ay parehong lalaki na nakitaan ng MPXV Clade II, na mas mild na uri ng Mpox virus. “Transmission dynamics for the two new cases […]
-
Ads January 31, 2023
-
LOVI, balitang pinigilan ng GMA Network sa paglipat ng ABS-CBN
KASALUKUYAN pang nasa USA si Kapuso actress Lovi Poe dahil natapos na nila ng cast ng romantic-comedy series na Owe My Love, kasama niya sina Benjamin Alves, Ai Ai delas Alas, Jackie Lou Blanco, Winwyn Marquez, Nova Villa at marami pang iba. Kaya virtual lamang ang interview sa kanya tungkol sa balitang lilipat […]