• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Isko, Lacson, Ka Leody, Sotto tanggap na ang pagkatalo

NAG-CONCEDE na kahapon ang mga kumandidatong presidente ng bansa na sina Manila Mayor Isko Moreno, Senator Panfilo “Ping” Lacson, labor leader Leody de Guzman at ang tumakbong bise presidente ni Lacson na si Senate President Vicente “Tito” Sotto III.

 

 

Sa pamamagitan ng post sa Twitter, sinabi ni Lacson na pamilya naman niya ang kanyang pagsisilbihan matapos ang mahabang panahon na pangangailangan ng ibang tao ang kanyang iniintindi.

 

 

“I’m going home. After being away too long looking after the needs of other people, it is time to serve my family for a change,” ani Lacson sa kanyang post sa Twitter.

 

 

Aminado naman si Aksyon Demokratiko presidential bet at Manila Mayor Isko Moreno na mayroon nang napili ang bawat Pilipino na susunod na pangulo ng bansa kasabay ang pagbati kay presidential frontrunner Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

 

 

Tuloy lamang aniya ang buhay at babalik siya sa  buhay sibilyan o “Citizen Isko” matapos ang Hunyo 30.

 

 

Nanawagan din siya na kung may nagpaplano ng mga kaguluhan ay huwag nang makisali ang publiko dahil sa wala umano itong maidudulot na maganda sa bansa.

 

 

Tinanggap na rin ni de Guzman ang pagkatalo sa halalan.

 

 

“Tulad din ng iba, tanggap ko ‘yung pagkatalo ko sa eleksyong ito. Ako ay nananawagan at nagpapasalamat sa aking mga supporter na hindi bumitaw sa pagsuporta sa akin,” ani de Guzman sa panayam ng One News.

 

 

Sa kabila nito, tiniyak ni de Guzman na ipagpapatuloy niya ang kanyang panawagan na itaas ang minimum wage sa P750 at itigil na ang “labor-only contracting practice” at land-grabbing.

 

 

Samantala, maging si Sotto ay tanggap na hindi siya ang napili ng mga mamamayan na susunod na bise presidente na bansa. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • DICT nakatutok sa PhilHealth hackers na humihingi ng $300,000 ransom

    KINUMPIRMA ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na may impormasyon na ito tungkol sa grupong nasa likod ng cyber attack sa PhilHealth nitong Biyernes.     Binanggit ni DICT Undersecretary Jeffrey Dy na kilala na ng ahensya ang nasa likod ng pag-hack ng impormasyon ng PhilHealth at ang nagdedemanda ng ransom kapalit nito. […]

  • Halagang P1-Trillion, pinag-aaralang kontribusyon ng BOC para sa gobyerno

    PINAG-AARALAN ng Bureau of Customs (BOC) ang kontribusyon ng hanggang P1 trilyon sa kaban ng gobyerno ngayong taon.     Sinabi ni BOC spokesperson Vincent Maronilla na ang mga posibleng karagdagang kita ay magmumula sa mga buwis na kokolektahin hanggang sa katapusan ng taong kasalukuyan.     Aniya, ito ay magpopondo sa maraming programa ng […]

  • Human trafficking case vs Alice Guo isasampa sa Pasig court – DOJ

    NAKATAKDA nang ihain ng Department of Justice (DOJ) ang kasong qualified human trafficking laban kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa Pasig City Regional Trial Court (RTC) ngayong linggong ito. Ito ay kasunod na rin nang pagpayag ng Supreme Court (SC) sa ­hiling ng DOJ na mailipat ang pagdinig sa naturang kaso mula sa […]