• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bilang mga nasasawi dahil sa kilos protesta sa Sri Lanka posibleng tumaas pa

POSIBLENG  tumaas pa ang bilang ng nasasawi dahil sa patuloy na kilos protesta sa Sri Lanka.

 

 

Inatasan kasi ni outgoing Sri Lankan Prime Minister Mahinda Rajapaksa ang mga kapulisan na barilin ang sinumang magtatangka na magsagawa ng kilos protesta.

 

 

Nailigtas rin ng mga otoridad si Rajapaksa ng tinangka ng mga protesters na pumasok sa kaniyang tahanan.

 

 

Umabot na rin sa halos 300 protesters ang sugatan matapos nilang makasagupa ang mga kapulisan.

 

 

Nais kasi ng mga protesters na gayahin din ng kanilang pangulo na si President Gotabaya Rajapaksa ang ginawa ng kapatid nitong Prime Minister na bumaba sa puwesto.

 

 

Nagbunsod ang malawakang kilos protesta dahil sa patuloy na pagbagsak ng ekonomiya ng kanilang bansa.

 

 

Nauna ng idineklara ng kanilang pangulo ang state of emergency dahil sa patuloy na kaguluhan.

 

 

Kinondina naman ng European Union at United Nations ang nagaganap na kaguluhan kung saan patuloy na lumulobo ang mga nasasawi.

Other News
  • Pacman, kargado na ng protina ang pagkain, ilang araw bago ang laban

    Nananatili umanong agresibo sa nalalapit na laban si 8-division world boxing champion Sen. Manny Pacquiao, kahit naudlot ang laban kay American undefeated boxer Errol Spence at ipinalit si Yordines Ugas.     Ayon sa isa sa tagaluto ng team Pacquiao na si Cliff Ramat Manzano hindi nagbago ang gilas ng fighting senator.     Kaya […]

  • PBBM, umapela sa labor sector na tiyakin ang episyenteng pagpapatupad ng TPB plan

    UMAPELA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa sektor ng paggawa na tiyakin na episyente ang implementasyon ng Trabaho Para sa Bayan (TPB) plan, makatutulong na makalikha ng 3 milyong bagong trabaho sa 2028.     Sa idinaos na kauna-unahang 2024 National Employment Summit sa Maynila, sinabi ni Pangulong Marcos na ang TPB ay isang […]

  • Booster shot para sa Team Philippines sa SEAG

    HIHILINGIN  ng Philippine Sports Commission (PSC) sa Philippine Olympic Committee (POC) na mabigyan din ng booster shot ang mga national athletes na sasabak sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.     Ayon kay PSC Commissioner at Team Philippines Chef De Mission Mon Fernandez, naturukan na ng second dose ng vaccine laban sa coronavirus […]