• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, inirekomenda sa susunod na Pangulo na agad na simulan ang pagpapatawag ng constitutional convention

INIREKOMENDA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa idedeklarang ika-labing pitong Pangulo ng Pilipinas na atupagin ang constitutional convention.

 

 

Sa kanyang Talk to the People, araw ng Huwebes ay sinabi ng Chief Executive na kailangan na talagang gawin ang nasabing hakbang at nakikita niyang may demand nang palitan ang konstitusyon.

 

 

Sinabi nito na masyadong magastos kung magpapatawag ng constitutional convention subalit kailangan aniyang gawin na ito at dapat ng umpisahan agad ng papasok na Administrasyon.

 

 

Aniya, kung gagawin kasi ang inisyatibo ng papatapos na ang termino ng papasok na Administrasyon , baka maakusahan pa aniya ito na ginagawa lang ang pagbabago sa konstitusyon dahil sa term extension gaya ng ibinato sa kanyang akusasyon.

 

 

Kasama rin sa iminumungkahi ng Punong Ehekutibo sa kanyang successor ang pagbuwag na sa party list system gayung nagagamit lang aniya ito laban mismo sa gobyerno partikular ng mga makakaliwa na ang layunin ay para sila ang pumalit sa pamahalaan. (Daris Jose)

Other News
  • Cristiano Ronaldo, tinanghal bilang highest paid football player ng Forbes

    Tinanghal bilang highest-paid football player ng Forbes magazine si Manchester United Forward Cristiano Ronaldo.     Dahil dito ay nahigitan niya si Lionel Messi.     Base sa Forbes sa mayroong kabuuang kita ito na $125 milyon kung saan $70 milyon ay mula sa kaniyang sahod at bonuses.     Habang mayroong $110-M naman na […]

  • Grizzlies nasungkit ang panalo laban sa Mavericks

    Abot langit ang tuwa ng Memphis Grizzlies matapos nitong talunin ang katunggaling Dallas Mavericks sa score na 112-108 sa pagbubukas ng isang home-and-home series ng NBA.       Sa simula pa lamang ng laro ay nagpakitang gilas kaagad si Desmond Bane at  umiskor ito ng 25 points habang si David Roddy naman ay nakapag […]

  • Angkas, JoyRide binigyan ng PA

    Ang motorcycle taxi ride-hailing services na Angkas at JoyRide ay binigyan ng provisional authority ng motorcycle taxi technical working group (TWG) upang pansamatalang magkaron ng operasyon  sa Metro Manila.   Bawat isang kumpanya ay binigyan ng PA upang magkaron ng operasyon mula Nov. 24 hanggang Dec. 9 ng TWG “pending confirmation of compliance and to […]