• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Buwenamanong gold ng Pinas

IBINIGAY ni Mary Francine Padios ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa 31st Southeast Asian Games makaraang magwagi sa women’s pencak silat seni (artistic/form) tunggal single event sa Bac Tu Lien Gymnasium sa Hanoi, Vietnam.

 

 

Humugot ang 17-anyos na tubong Kalibo, Aklan ng lakas ng loob mula sa kanyang amang nakaratay ngayon sa coma matapos ang isang malagim na car accident bago mag-Pasko.

 

 

Umiskor si Padios ng 9.960 points para sapawan si 2019 winner Arum Sari (9.945 points) ng Indonesia.

 

 

Ito ang unang gold medal ni Padios sa SEA Games matapos makuntento sa silver noong 2019 Manila edition na pinagha­rian ng Team Philippines.

 

 

Nakahugot din ang Team Philippines ng tatlong silver at apat na bronze medals para upuan ang No. 4 seat sa medal tally board sa ilalim ng Vietnam (7-5-7), Malaysia (6-1-5) at Indonesia (3-4-0).

 

 

“I’m keeping my faith in the heart of our national athletes to overcome and come home victorious,” ani Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez.

 

 

Nagmula ang tatlong silver medal kay Helen Aclopen sa women’s minus 48kgs ng kurash, sa men’s beach handball team at kina Tokyo Olympic Games campaigner Cris Nievarez at Christian Joseph Jasmin sa men’s doubles lightweight sculls sa rowing.

 

 

Ang apat na bronze medals ay ambag nina Charmea Quelino, George Baclagan at Renzo Cazeñas sa kurash at Joannie del Gaco, Amelyn Pagulauyan, Mireille Cua at Kristine Paraon sa women’s quadruple sculls sa rowing.

 

 

Samantala, maagang dumating sa Hanoi si Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz para sa asam na back-to-back gold medal sa women’s 55kg category.

 

 

Sa Mayo 20 pa sasalang si Diaz habang darating naman ang iba pang miyembro ng national weightlifting team sa Mayo 16.

Other News
  • Kapuso stars, wagi sa RAWR Awards 2020!

    Winner ang ilang Kapuso stars sa RAWR Awards 2020 ng entertainment website na LionhearTV.net na ginanap nitong Sabado ng gabi.   Kinilala bilang ‘Actor of the Year’ ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards at si Maine Mendoza naman para sa ‘Actress of the Year.’   Dahil sa epektibong pagganap ng ‘Prima Donnas’ star […]

  • Hininga ni JUDY ANN ang binigay para sa anak na si YOHAN na 17 years old na

    BUKOD sa nasa ika-4 na taon na ang Tadhana ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera, very proud si Dingdong Dantes sa kanyang Misis, dahil sa paglago naman talaga ng sariling business nito, ang Floravida by Marian.     Nagsimula lang ito sa mga long-lasting flowers design niya, hanggang sa magkaroon siya ng Floravida […]

  • MABABANG COVID-CASES, NAITALA SA NAVOTAS

    NAITALA ng Navotas City ang pinakamalaking kabawasan sa porsyento ng mga bagong kaso ng COVID-19 kada araw sa lahat ng lokal na pamahalaan sa Metro Manila.     Nagrehistro ang lungsod ng -76% na pagbaba ng average daily attack rate (ADAR), ayon sa OCTA Research Group. Mula sa pinakamataas na 137, ang kada araw na […]