Tinawanan pa nang sitahin kaya lalong nag-init ang ulo… Broadway Legend na si PATTI LUPONE, may mga tinalakan dahil sa pagsusuot ng facemask
- Published on May 16, 2022
- by @peoplesbalita
NAKATIKIM ng talak ang dalawang tao mula sa Broadway Legend na si Patti Lupone dahil ayaw nilang ayusin ang pagsuot ng kanilang facemask habang nasa loob sila ng American Theatre Wing.
Ayon sa two-time Tony Award-winning actress, sinita na raw niya ang dalawa tungkol sa kanilang facemask habang nasa entablado siya para sa Q&A kasama ang cast ng Broadway revival ng Company. Pero tumawa lang daw ang dalawa kaya lalong nag-init ang ulo ni Lupone.
“Who do you think you are? Just put your mask over your nose. That is the rule. If you don’t want to follow the rules, get the f— out!” talak pa ni Lupone.
Singot daw siya ng isa ng: “I pay your salary.” at sinagot naman siya ni Lupone ng: “You pay my salary? Bullshit! Chris Harper pays my salary!”
Napilitan ang palabasin ang dalawa ng security dahil sa hindi pagsunod sa safety protocol ng venue.
Kuwento ng isang eyewitness: “Patti had politely asked them to lift their masks several times. They just kept shaking their heads at her. That’s when she hit a breaking point, taking the mic, stopping the panel, and demanding they follow the rules. These people were so rude.”
Na-shutdown ang Broadway for 18 months dahil sa pandemic. Nagkasakit din si Lupone with Covid-19 kaya ayaw niyang maulit iyon dahil lang sa dalawang taong ayaw sumunod sa safety protocol ng venue. Kahit na raw na-lift ang pagsuot ng mask sa New York City, required pa rin daw ang audience to wear a facemask inside theaters para maprotektahan ang actors, musicians, crew members and staffers na mahawa sa virus.
May reputation si Lupone na titigil sa kanyang performance kapag may isang audience na nakaka-distract sa performance nito. Meron na siyang sinigawan dahil may kumuha ng photos na bawal gawin. May isa naman na kinuha niya ang cellphone dahil nagte-text ito.
Kinampihan si Lupone ng buong staff ng Company: “She is also a fierce advocate for the entire theatrical workforce. We stand with Patti and support her efforts to keep our entire community — from patrons to ushers, cast to stage crew — safe and healthy so we can keep Broadway open.”
Kilala si Lupone sa pagganap niya sa hit Broadway musicals na Evita, Gypsy, Les Miserables, Sunset Boulevard at Sweeney Todd.
(RUEL J. MENDOZA)
-
13 bagong appointees, itinalaga ni PBBM
IPINALABAS ng Malakanyang ang mga pangalan ng 13 bagong appointees kabilang na si dating Foreign Affairs at Justice undersecretary Brigido Dulay. Opisyal na itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Dulay bilang Inspector General ng Internal Affairs Service ng Philippine National Police (PNP). Kasama rin sa listahan ang bagong apat na miyembro ng Bases […]
-
Fuel subsidy program handang ipagpatuloy ng pamahalaan sakaling manatiling mataas ang presyo ng langis sa PH
MAGPAPATULOY ang pamamahagi ng tulong pinansyal ng pamahalaan para sa mga sektor ng transportasyon at agrikultura ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno. Ipinahayag ito ni Diokno matapos ang isinagawang kauna-unahang pagpupulong ng economic team ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Aniya, handa ang gobyerno na ipagpatuloy ang pamamahagi ng nasabing ayuda […]
-
OH, WHAT A DAY… WHAT A LOVELY DAY! TRAILER FOR “FURIOSA: A MAD MAX SAGA,” STARRING ANYA TAYLOR-JOY AND CHRIS HEMSWORTH, DEBUTS
THIS is her Odyssey. “Furiosa: A Mad Max Saga,” starring Anya Taylor-Joy in the title role, opens only in cinemas 2024. The much-anticipated return to award-winning director George Miller’s iconic dystopian world also stars Chris Hemsworth, Alyla Browne and Tom Burke. Watch the trailer below: YouTube: https://youtu.be/_oYrCGKX1C4?si=SB3oUFl1Fg6ReiOW About “Furiosa: A Mad Max Saga” […]