• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Magha-house tour pagkatapos ng teleserye nila ni Alden: BEA, dream na magka-bahay sa Europe kaya pumunta ng Madrid

NATAPOS na ang Election 2022 sa bansa, pero ang mga netizens at viewers ng top-rating GMA Telebabad romantic-drama series na First Lady ay hindi pa tapos at sumisigaw pa sila ng suporta kay First Lady Melody na kandidatong Presidente ng bansa.

 

 

Bakit hindi si President Glenn Acosta (Gabby Concepcion) ang muling kumandidato? Nagkaroon kasi ng assassination attempt sa buhay ni PGA, at hospitalized pa siya, kaya si Melody ang napusuan ng kanyang mga ka-alyado para palitan siyang kandidato sa eleksyon.

 

 

Tinanggap naman ni Melody ang hamon sa kanya bilang president ng Pilipinas, at kalaban niya si Senator Allegra Trinidad (Isabel Rivas), pero hindi naging madali sa kanya ang ginawang desisyon. At sa Twitter at Facebook, bumuhos ang suporta para kay Melody. Tanong nga sa social media, “kung makaboboto kayo, sino ang iboboto ninyo sa pagkapresidente?

 

 

At tulad ng tunay na eleksyon, nakatikim si Melody ng bashings ng mga kalaban niya, tulad nang “ipagkakatiwala ba natin ang buhay natin sa isang tulad niyang walang alam dahil isa lamang siyang yaya?” May nagpadala pa sa kanya ng uniform ng isang yaya at iyon daw dapat ang isuot niya.

 

 

Pero hindi nanghina ang loob ni Melody, sa isang kampanya ay isinuot niya ang yaya uniform at sabi niya “tapat akong maglilingkod sa mga tao at hindi ko ikinahihiya na isa lamang akong yaya, pero malakas ang loob ko at hindi ako magpapatalo!”

 

 

Sa June 30, 2022 na ang proclamation ng ating newly-elected President of the Philippines, sabayan din kaya ito ng proclamation ni First Lady Melody? Ang First Lady ay napapanood gabi-gabi, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA-7.

 

 

***

 

 

NAKA-TAPING break si Bea Alonzo sa Start-Up kasama sina Alden Richards at Jeric Gonzales, kaya nagkaroon siya ng chance na magawa ang ika-100 episodes ng kanyang YouTube vlog.

 

 

May 2.51 million subscribers na si Bea. At ang latest vlog nga niya ay tungkol sa pagpunta niya sa Madrid, Spain, last March, bago siya nagsimulang mag-taping ng first teleserye sa GMA Network.

 

 

On her new vlog, Bea shared kung bakit siya pumunta sa Madrid. Ito ay para tumingin ng isang apartment doon dahil isa raw niyang dream ay magkaroon ng sariling bahay sa Europe. Kaya personal siyang pumunta ng Madrid, at nag-apartment hunting siya.

 

 

At sa six apartments na pinagpilian niya, ang napili niya ay iyong may elevator na magagamit ng mommy niya at ng mga pamangkin niya kapag naroon sila. Kaya ang promise ni Bea sa kanyang vlog, kapag natapos na ang teleserye nila nina Alden, babalik siya sa Madrid at gagawa siya muli ng isang vlog na iha-house tour naman ang mga subscribers sa nabili niyang bahay sa Madrid.

 

 

***

 

 

TULOY na tuloy na pala ang movie na pagtatambalan nina John Lloyd Cruz at Jasmine Curtis-Smith.

 

 

Kaya pala nag-tape nang ilang summer episodes si JLC ng sitcom niyang Happy ToGetHer sa Boracay, dahil magiging busy naman siya kapag nagsimula na sila ng shooting ng movie, na malamang lock-in din. Wala pang binanggit na title ng movie na isu-shoot nila at kung saan ang location nila.

 

 

Marami raw nagsasabing maswerte si Jasmine, dahil after niyang makatambal ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sa GMA Telebabad na The World Between Us, ang best actor awardee naman ang bago niyang leading man.

 

 

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Sotto bawal pa sa NBA, sasalang sa NBL, Gilas

    TUTUPARIN ni National Basketball Association prospect Kai Zachary Sotto ang manilbihan para sa Gilas Pilipinas gaya nang naipangako habang maghahasa muna sa Adelaide 36ers sa National basketball League sa Australia.     Ibinunyag ito nitong Miyerkoles ng 18 taong-gulang at 7-3 ang taas na cage phenom kasabay sa pagseserbisyo sa Nationals na kakampanya sa 30th […]

  • NCR, palalakasin ang telemedicine para maiwasan na mapuno ang mga ospital sa gitna ng pagbulusok ng COVID-19 —Abalos

    SINABI ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos na pinalalakas ang telemedicine sa Kalakhang Maynila upang hindi mapuno ang mga ospital sa gitna ng pagsirit ng COVID-19 infections.     Paliwanag ni Abalos, hindi lahat ng COVID-19 cases sa Kalakhang Maynila ay ay kailangang i-confined sa mga ospital at medical facilities.     […]

  • Concepcion, muling itinulak ang Alert Level 1 sa NCR para sa susunod na buwan

    MULING inulit ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion ang panukala nito na ide-escalate ang quarantine status sa National Capital Region sa mas mababang Alert Level 1.     Layon nito na palakasin ang economic recovery ng bansa.     “We recommended moving to Alert Level 1, sana by March. Matagal na ang sitwasyon na […]