• September 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VP Leni Robredo, mga anak lumipad pa-New York

LUMIPAD  pa-New York City si Vice President Leni Robredo kasama ang kanyang mga anak upang dumalo sa graduation ng kanyang bunso na si Jillian at gugulin ang oras kasama ang kanyang pamilya.

 

 

Sa kanyang Instagram, nagbahagi si Aika, anak ni Robredo, ng video kasama ang kanyang ina at mga kapatid habang sakay ng eroplano.

 

 

Sa kabila ng naturang biyahe, tiniyak naman ng bise presidente na pangangasiwaan pa rin niya ang paghahanda para sa paglulunsad ng Angat Buhay program.

 

 

Ang Angat Buhay program ay isang non-government organization na binubuo ng mga volunteers na tumulong sa kanyang kampanya noong katatapos na eleksiyon.

 

 

Sinabi rin ni Robredo na ang Office of the Vice President ang siyang gumagawa ng paghahanda para sa official turnover ng kanyang tanggapan sa susunod na bise presidente ng bansa na si Davao Mayor Sara Duterte-Carpio.

 

 

Matatandaang si Robredo ay tumakbo sa pagka-pangulo sa katatapos na May 9 polls.

 

 

Bigo naman si Robredo na maluklok sa puwesto matapos na talunin ng kanyang mahigpit na katunggali na si presumptive president Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr..

 

 

Batay sa partial unofficial tally ng mga boto sa pagkapangulo hanggang noong Mayo 13 mula sa datos ng Comelec Transparency Media Server, nakakuha lamang si Robredo ng 14,822,051 boto kumpara sa 31,104,175 boto ni Marcos. (Daris Jose)

Other News
  • Environmental protection efforts, tinalakay ni PBBM sa DENR chief

    TINALAKAY ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr. kay Environment Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga ang mga inisyatibo na naglalayong protektahan ang kapaligiran.     Makikita sa official Facebook page ng Office of the President (OP) ang mga larawan na kuha sa nangyaring pagpupulong nina Pangulong Marcos at  Yulo-Loyzaga sa Malakanyang.     Partikular na pinag-usapan nina […]

  • Colorum na mga vans ginagamit sa “human trafficking”

    Iniibestigahan ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI) ang nahuling operasyon ng mga vans na ginagamit sa “human trafficking” mula at papunta sa National Capital Region (NCR) Plus Bubble.     Ang mga nakasakay ng mga pasahero ay napagalaman na hindi sumailalim sa testing ng COVID 19. Ang nasabing operasyon ng mga colorum na vans […]

  • Public servants sa panahon ng kalamidad, community volunteers at medical at essential frontliners, kinilala ni PDU30 ngayong People Power Revolution

    KINILALA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga public servants na nagbigay ng kanilang tapat at epektibong pamamahala sa local at national levels, sa mga nagsagawa ng rescue at relief operations sa panahon ng kalamidad, community volunteers, at maging ang mga medical at essential frontliners sa panahon ng COVID-19 pandemic ngayong ipinagdiriwang ang 1986 People […]