• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Unity’ tema ng 19th Congress

UNITY  o pagkakaisa ang magiging tema ng 19th Congress sa pagpasok ng bagong administrasyon, ayon kay Majority Leader at 1st District Leyte Rep. Martin Romualdez na number 1 contender sa House Speakership.

 

 

Ginawa ni Romualdez ang pahayag bilang reaksyon sa pakikipagkamay ng pamangkin nito na si Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos kay ret. Comelec Commissioner Rowena Guanzon na naging hayagan ang pagbatikos noon kay presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

 

 

Si Sandro ay panganay na anak ni BBM.

 

 

“So thats what we all are about. We are about the House of the people, the House of Representatives of the Phiippines. We are for every Filipino. No more colors no more politics work,” ayon kay Romualdez, Presidente ng  Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD).

 

 

Kasabay nito, nanawagan si Romualdez sa kanyang mga kapwa mambabatas na kalimutan muna ang magkakaibang kulay ng pulitika upang mapagbuti ang trabaho para sa kapakanan ng mga Pilipino. (Daris Jose)

Other News
  • Possible entry sa 50th Metro Manila Film Festival: VILMA, nakapag-rest na kaya sumalang agad sa shooting ng ‘Uninvited’

    NAKA-ILANG shooting days na pala ang pelikulang “Uninvited “ na pinagbibidahan ng Star for All Seasons Vilma Santos-Recto.   Mga eksenang hindi kasama si Ate Vi ang mga iniuna at kamakailan lang ay nag-umpisa na siya kaya tuloy-tuloy na raw ito.       May mga ugong-ugong na tiyak daw na isasali ito sa 50th […]

  • Ads April 9, 2022

  • Critically-acclaimed Pinoy action film, mapapanood na sa Pasko: ARJO at JULIA, walang itulak-kabigin sa husay nila sa ’Topakk’

    PASABOG ang media con ng action-packed thriller na ‘Topakk’ last Wednesday, December 4, na kung saan ginanap ito sa isang warehouse na M.H. del Pilar St. sa District 1 ng Quezon City.     Naramdaman talaga ng nagsipagdalo sa event, ang replica ng warehouse na malaking bahagi ng pelikula, na kung saan maraming matitinding eksena […]