• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P1 bilyon sa health workers na nagka-COVID-19, inilabas

MAHIGIT sa P1 bilyon ang inilabas ng Department of Budget and Ma­nagement (DBM) para sa sickness at death bene­fits ng public at private healthcare workers at mga hindi health workers  na tinamaan at matatamaan ng COVID-19 habang nagsisilbi sila sa gitna ng pandemya.

 

 

Sinabi ng DBM na sakop nito ang mga nagkaroon ng mild o moderate COVID-19 infection na makakatanggap ng P15,000 habang ang mga nasapul naman ng severe o critical ay bibigyan ng P100,000 bilang kompensasyon.

 

 

Makakatanggap naman ng P1 milyon ang mga pamilya ng HCWs at non-HCWs na nasawi sa COVID habang nasa duty.

 

 

Ang pagtukoy ng eligible HCWs at non-HCWs ay nakabase sa criteria na itinakda ng health department.

 

 

Ang pondo ay manggagaling sa regular budget ng DOH sa ilalim ng Fiscal Year 2022 General Appropriations Act at ili­lipat sa DOH-retained and corporate hospitals, DOH Treatment and Rehabilitation Centers, at Centers for Health Development, at iba pang attached ins­titutions.

 

 

Tiniyak naman ng departamento na ipagpapatuloy nito ang timely approval ng budget para sa frontliners.

Other News
  • Bebot na nasa top 10 most wanted person ng Navotas, nalambat

    ISANG babae na nakatala bilang top 10 most wanted person ang nalambat ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.       Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes ang naarestong akusado na si alyas Ali, 24, at residente ng lungsod.       Ayon kay Col. Cortes, nakatanggap […]

  • TRAILER FOR DC SUPER HERO FILM “BLACK ADAM” ARRIVES WITH A BANG

    THE world needed a hero, it got Black Adam. From New Line Cinema, Dwayne Johnson stars in the action adventure “Black Adam.”     The first-ever feature film to explore the story of the DC Super Hero comes to the big screen under the direction of Jaume Collet-Serra (“Jungle Cruise”).     Check out the […]

  • Pinay weightlifter nagdagdag ng 2 bronze sa bansa

    Nagdagdag ng dalawang bronze medals para sa Pilipinas sa Asian Championships si Filipina weightlifter Kristel Macrohon.     Nagtapos ng ikatlong puwesto sa women’s 76 kg clean & jerk si Macrohon matapos na ito ay bumuhat ng 126 kilograms.   Nakuha nito ang isang bronze sa 225 kgs.     Mayroon ng kabuuang 2 gold, […]