DOH, kinumpirma na may local transmission na ng Omicron subvariant BA.2.12.1 sa PH; 3 karagdagang kaso ng BA.2.12.1
- Published on May 19, 2022
- by @peoplesbalita
KINUMPIRMA ngayong araw ng Department of Health na nadetect na sa bansa ang local transmission ng highly transmissible Omicron subvariant BA.2.12.1.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nangangahulugan na ang mga kaso na nadetect ay wala ng kaugnayan sa mga kaso mula sa labas ng bansa ngunit makikita pa rin ang linkages ng mga nadetect na mga kaso.
Sa kabila nito, iginiit ni Vergeire na wala pang community transmission sa ngayon.
Iniulat din ngayong araw ng DOH na nadagdagan pa ang kaso ng COVID-19 omicron subvarainat na BA.2.12.1 sa Pilipinas.
Tatlong bagong kaso ng naturang Omicron subvariant ang nadetect mula sa Western Visayas.
Ayon kay Vergeire, dalawang local cases at isang returning Filipinos ang nasuri na positibo sa subvariant.
Ang returning Filipino ay mula sa Amerika at fully vaccinated gayundin ang isang local cases kumpleto ang bakuna habang ang isa pang local cases ay kasalukuyang biniberipika pa ang kaniyang status.
Nilinaw naman ni Vergeire na hindi pa ito maituturing na community transmission kung saan malawakan ang pagkalat at hindi matrace ang lineages ng kaso.
Magugunita na ang unang 14 na kaso ng highly transmissible subvaraint na nadetect sa bansa ay naitala ang 2 local cases mula sa Metro Manila at 12 naman sa Puerto Princesa kung saan 11 dito ay foreign travelers at 1 naman ang local individual.
Samantala, sa ngayon hindi pa itinuturing ng mga eksperto ang omicron subvariant BA.2.12.1 bilang isang variant of interest o variant of concern. (Daris Jose)
-
Mansion ni Thompson sa LA, ibinebenta
Inanunsyo ni Cleveland Cavaliers star Tristan Thompson na ibinebenta na nito ang kanyang mansion. Ayon kay Thompson, nagkakahalaga ang kanyang ibinebentang Encino Mansion ng $8.5 million. Base sa ulat, tumaas ang halaga ng mansion ng $2 million mula ng mabili niya ito noong nakaraang taon ang 10,000 square foot farmhouse style na bahay. […]
-
Pinsala ni bagyong Odette sa Agri sector , malapit ng pumalo sa P13 bilyong piso —DA
MALAPIT nang pumalo sa P13 bilyong piso ang pinsala sa agriculture sector dahil sa naging pananalasa ng bagong Odette. Ayon sa pinakabagong tally na ipinalabas ng Department of Agriculture (DA), ang “damage and losses” dahil sa kalamidad ay P12.7 bilyon “as of January 12, 2022.” Labis na naapektuhan ng bagyo ang […]
-
PAOCC spox Casio nanampal ng POGO worker, sibak!
Sinibak ng Malakanyang ang tagapagsalita ng Presidential Anti-Organizd Crime Commission (PAOCC) na si Winston Casio. Ito’y matapos mag-viral sa social media ang video nang pananampal ni Casio sa isang Pinoy sa isinagawang raid sa scam hub sa Bagac, Bataan. Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, chairman ng PAOCC, bukod sa pagsibak […]