• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tag-ulan, idineklara na ng PAGASA

PORMAL nang idineklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pagsisimula ng panahon ng tag-ulan o rainy season sa bansa.

 

 

Kasunod ito ng nararanasang severe thunderstorms na nagdulot ng malawakang pag-ulan sa nakalipas na 5 araw.

 

 

“This satisfies the criteria of the start of the rainy season over the western sections of Luzon and Visayas,” ayon sa PAGASA.

 

 

Kaugnay nito, nagbabala rin ang PAGASA na ang ulan na may kasamang southwest monsoon ay magsisimula nang makaapekto sa Metro Manila at sa western sections ng bansa.

 

 

“However, breaks in rainfall events (also known as monsoon breaks), which can last for several days or weeks may still occur.”

 

 

Sinabi rin ng PAGASA na ang ongoing La Niña ay inaasahang makakaapekto pa rin sa ilang bahagi ng bansa, na magpapataas sa posibilidad nang pagkakaroon ng above-normal na rainfall conditions sa mga susunod na buwan. (Daris Jose)

Other News
  • PBBM, inaasahan sa bagong liderato ng Philippine Airforce na ipagpapatuloy ang pagsisikap na mapanatili ang “excellence” sa Hukbong Panghimpapawid

    UMAASA  si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr na mapananatili ng bagong pamunuan ng Hukbong Panghimpapawid ang “excellence” at dangal sa Philippine Air Force.     Bahagi ito ng mensahe ng Chief Executive sa ginanap na change of command ceremony sa Philippine Air Force.     Umaasa naman ang Pangulo na sa ilalim ng  bagong liderato […]

  • Kelot kulong sa pagpalag sa parak at higit P.3M droga sa Caloocan

    SA kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos tangkain pumalag sa parak at makuhanan pa ng mahigit P.3 milyong halaga ng shabu sa Caloocan City.       Sa report ng Caloocan City Police Station kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino, habang nagpapatrolya ang mga tauhan ng Cadena De Amor Police Sub-Station […]

  • Bigtime drug pusher, tiklo sa P16 milyon shabu sa Malabon

    NASABAT ng mga awtoridad ang mahigit P16 milyon halaga ng shabu sa isa umanong notoryus drug pusher na listed bilang High-Value Individual (HVI) matapos maaresto sa buy bust operation sa Malabon City.     Pinuri ni Northern Police District (NPD) District Director PBGEN Ponce Rogelio Peñones Jr, ang Malabon police sa pamumuno ni P/Col. Amante […]