• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Navotas Mayor-elect pushes SMC megaproject

TINIYAK ni Navotas City mayor-elect Congressman John Rey Tiangco na mas maraming Navotenos ang makikinabang sa usapin sa trabaho mula sa mega-project ng San Miguel Corporation (SMC) na kinasasangkutan ng integrated expressway patungo sa new international airport sa Bulacan, Bulacan.

 

 

Ani Tiangco, ang city council ay nagpasa na ng isang ordinansa bilang pag-asam ng mega project na nag-uutos sa lahat ng mga negosyo sa lugar na kumuha ng mga residente na bubuo ng 70 percent ng kanilang mga manggagawa.

 

 

Nauna rito, sinabi ni Cong. Tiangco at ng kanyang kapatid na si Congressman-elect Mayor Toby Tiangco na may 343 hectares ng palaisdaan ang natambakan na para bigyan-daan ang construction ng megaproject, partikular na ang Tanza Airport Support Services na itatayo ng SMC.

 

 

“The Navotas Coastal Development (NDC) and the Tanza Airport Support Services will bring diverse opportunities for Navoteños. To prepare for this, we passed the ordinance that require new businesses in Navotas to hire at least 70 percent of its workforce from bonafide residents of the city,” ani Mayor Toby.

 

 

Sinabi pa ng Tiangco brothers na ang NavoTAAS Institute ay nag-alok din ng technical-vocational courses na nag-uugnay sa mga pangangailangan ng umuusbong na industriya.

 

 

Dagdag pa ng magkapatid na itatampok din ng SMC project ang pinakamalaking socialized housing kung saan makikinabang ang humigi’t kumulang sa 3, 500 families.

 

 

“We thank San Miguel Corporation for their trust and confidence in bringing in this big project and acceding to our request to include our biggest in-city housing,” pahayag ni Cong. Tiangco.

 

 

Ang lokal na pamahalaan ay magkakaroon ng kabuuang 7,167 housing units kapag natapos na ang proyektong ito, anila.

 

 

“They have been planning and preparing for this multi-billion peso mega-project, which will be built with the city government spending no single centavo, for years now,” dagdag ni Cong. JRT. (Richard Mesa)

Other News
  • PDu30, inatasan ang mga local chief executives na ipatupad ang batas laban sa mga lalabag sa health protocols

    INATASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga local chief executives na ipatupad ang batas laban sa mga lalabag sa health protocols na naglalayong pigilan ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19).   Sa kanyang Talk To The People, Miyerkules ng gabi ay nagpahayag ng pagkadismaya ang Chief Executive sa patuloy na pagkalat ng nasabing sakit. […]

  • SHARON, kinainggitan ng netizens sa body shot scene nila ni MARCO sa ‘Revirginized’

    MAY pasabog na post na naman si Direk Darryl Yap para sa kanyang upcoming film na patuloy na pinag-uusapan dahil sa nakaka-intriga nitong titulo na Revirginized na kung saan ang bida ay si Megastar Sharon Cuneta.     Ang hot ng patikim na photos na kuha sa movie na kung saan napapayag talaga si Mega […]

  • Pinangunahan ni PBBM: KADIWA ng Pangulo, inilunsad na sa Cebu City

    OPISYAL nang inilunsad sa pangunguna  ni Pangulong Ferdinand R. Marcos ang “KADIWA ng Pangulo” sa Cebu City na layuning maipagpatuloy ang pagbibigay ng murang bilihin sa mga mamimili.     Sa naging talumpati ng Pangulo,  sinabi  nitong naging popular ang Kadiwa ng Pasko at hinahanap aniya ito ng mga tao kaya’t minarapat nilang ipagpatuloy ang […]