Hidilyn reyna pa rin ng SEA Games
- Published on May 23, 2022
- by @peoplesbalita
UMISKOR ang Pilipinas ng tatlong gintong medalya sa pamumuno ni Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz sa weightlifting sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam kahapon.
Nagtala ang 30-anyos na si Diaz ng total lift na 206 kilograms mula sa 92kgs sa snatch at 114kgs sa clean and jerk para muling manaig sa women’s 55-kilogram event kung saan siya nanalo noong 2019 Manila edition.
Binigo ng tubong Zamboanga City sina 2016 Rio de Janeiro Olympics gold medal winner Sanikun Tanasan ng Thailand at Natasya Beteyob ng Indonesia na nagtala ng 203kgs at 188kgs, ayon sa pagkakasunod.
Inangkin naman ni Fil-Jap judoka Shugen Nakano ang ginto matapos talunin si hometown favorite Hoang Phuc sa finals ng men’s -66kg category.
Wagi ang Team Philippines-Sibol sa Indonesia, 3-1, sa best-of-five finals series ng Mobile Legends: Bang Bang.
Ito ang ikalawang ginto ng Pinas sa esports matapos manalo ang all-female Grindsky Eris sa Wild Rift.
Inaasahang dadami pa ang medalya ng Pinas, may 43 golds, 59 silvers at 80 bronzes, na nasa ilalim ng overall champion Vietnam (163-97-92), Thailand (65-73-105), Indonesia (47-67-63) at Singapore (47-44-62).
Nakatiyak ang bansa ng dalawang gold matapos itakda nina men’s 9-ball singles winner Johann Chua at Carlo Biado at women’s 9-ball singles queen Rubilen Amit at Chezka Centeno ang kani-kanilang 10-ball finals.
Sigurado na rin ang ginto sa pagharap nina Pinoy netters Francis Casey Alcantara at Jeson Patrombon sa mga kababayang sina Treat Huey at Ruben Gonzales sa men’s doubles finals.
Ginto rin ang target rin nina Tokyo Olympic bronze medalist Eumir Marcial (middleweight), Rogen Ladon (flyweight) at Ian Clark Bautista (featherweight) sa pag-usad sa finals ng boxing.
Nag-ambag ng silver sina judoka Khrizzie Pabulayan (women’s -52kg) at Carlo Von Buminaang (vovinam men’s 65kg).
Humataw si tennis sensation Alex Eala ng tatlong bronze medals sa women’s singles, women’s team event at mixed doubles.
Nakuntento sa bronze ang women’s beach volleyball team nina Sisi Rondina, Bernadeth Pons, Jovelyn Gonzaga at Dij Rodriguez at ang men’s squad nina Jude Garcia, Jaron Requinton, Krung Arbasto at Ranran Abdilla.
Sa chess, isinulong ni WGM Janelle Mae Frayna ang tanso sa women’s individual blitz.
-
Pole vault sensation EJ Obiena mainit na tinanggap ng UST para sa kanyang homecoming
GINANAP ang pagtanggap sa world’s number 3 pole vaulter na si EJ Obiena sa University of Sto. Tomas (UST) sa lungsod ng Maynila kung saan mainit siyang sinalubong ng mga opisyal at mga estudyante para sa kanyang homecoming. Bandang alas-10:05 ng umaga nang makarating si Obiena sa unibersidad kasama ang kanyang girlfriend na […]
-
PDu30 nagsabi na walang pilitan sa bakuna
MISMONG si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang nagsabi na hindi pinipilit ng pamahalaan ang kahit na sinuman na sumali sa ibibigay na bakuna ng national government. Sa public address ng Pangulo ay sinabi nito na libre ang bakuna at talagang pinaghandaan ng pamahalaan ang pera. “Iyong Secretary of Finance — yesterday we had a […]
-
Ads January 10, 2024