• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mavs nakaiwas sa sweep ng Warriors

NAGPOSTE si Luka Doncic ng 30 points, 14 rebounds at 9 assists pa­ra igiya ang Mavericks sa 119-109 paggiba sa Gol­­den State Warriors at makaiwas mawalis sa Wes­­tern Conference finals.

 

 

Ito ang ika-10 double-double ni Doncic sa kan­yang 14 games sa post­sea­son para sa 1-3 agwat ng Dallas sa kanilang best-of-seven series ng Golden State.

 

 

“Just got to finish the game. A win is a win,” sabi ni Doncic na may masamang 10-of-26 fieldgoal shooting.

 

 

Nagdagdag si Dorian Finney-Smith ng 23 points at may 18 markers si Reggie Bullock na lahat ay ga­­ling sa three-point line.

 

 

May 15 points si Jalen Brunson, habang may 13 at 10 markers sina Maxi Kle­ber at Spencer Dinwiddie, ayon sa pagkakasunod.

 

 

Nagsalpak ang Mave­ricks ng 20 triples para ta­pusin ang tatlong sunod na kabiguan sa Warriors sa serye.

 

 

Nakatakda ang Game Five sa San Francisco.

 

 

Umiskor si star guard Ste­phen Curry ng 20 points para sa Golden State na nakadikit sa 102-110 agwat matapos magtayo ang Dallas ng 29-point lead.

 

 

Ngunit hindi na muling nakalapit ang Warriors.

 

 

“Just made the decision to see if we could pull off a miracle, but it wasn’t meant to be,” sabi ni coach Steve Kerr sa kanyang tro­pa.

 

 

Ang dunk ni Doncic at ang ikaanim na tres ni Bullock ang muling naglayo sa Mavericks sa 115-102.

 

 

Wala pang NBA team na nakabangon mula sa 0-3 deficit at naipanalo ang serye.

 

 

Isang beses lang na­­wa­lis ang Dallas sa ka­nilang 34 best-of-seven se­­ries.

 

 

Ito ay nang dominahin ng Oklahoma City Thunder ang Mavericks sa first round ng 2012 playoffs.

Other News
  • Pinoy boxer Michael Dasmariñas todo na ang ensayo sa ilalim ni Freddie Roach

    Agad na sinimulan ni Filipino boxer Michael Dasmariñas ang kaniyang ensayo sa ilalim ni trainer Freddie Roach sa Wild Card Gym sa Los Angeles, California.     Nasa huling yugto na kasi ng kaniyang paghahanda ang Filipino boxer para sa laban niya kay IBF at WBA Super World bantamweight champion Naoya Inoue na gaganapin sa […]

  • Celine maingat sa praktis

    PATULOY pa rin sa pagpapakondisyon si Premier Volleyball League (PVL)  star Celine Domingo ng Creamline Cool Smashers maski wala pang petsa ang pagbubukas ng ikaapat na edisyon ng women’s volleyfest sa taong ito.   Sa isang Instagram post ng middle blocker kamakailan, kahit mag-isa lang siya sa volley drills, naging seryoso sa training, na naka-face […]

  • LTFRB: Posibleng magkaron ng PUJ fare hikes

    INAASAHAN  ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magkakaron ng panibagong round ng fare hike sa mga public utility jeepneys (PUJs) sa darating na lingo.       Ayon kay LTFRB chairman Cheloy Garafil na ang pagtataas ng pamasahe ay sinangayunan na ng LTFRB board subalit hindi pa alam kung P2 o P4 […]