• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Korte ibinasura ang kasong ‘indirect contempt’ vs De Lima, abogado

IBINASURA na ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 206 ang “indirect contempt” civil case laban sa nakakulong na si Sen. Leila de Lima at abogadong si Filibon Tacardon, bagay na isinampa dahil sa ilang pahayag sa media ng ikalawa.

 

 

Disyembre 2020 nang maghain ng kasong indirect contempt laban sa dalawa matapos sabihin ni Tacardon na inabswelto ng mga opisyal ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Anti-Money Laundering Council (AMLC) si De Lima mula sa drug charges.

 

 

Sinabi rin ni Tacardon noon sa media na inamin ng isang drug lord sa witness stand na hindi niya pa nakakasalamuha si De Lima. Dinamay si De Lima sa kaso dahil sa pagpayag kay Tacardon na sabhin ang mga nabanggit.

 

 

Una nang sinabi ng mga prosecutor na paglabag ang mga pahayag sa “subjudice rule” na pumipigil sa mga partidong pag-usapan sa publiko ang mga merito ng nakabinbing kaso para mapigilan ang kalalabasan ng kaso. Contemptuous din ang mga “unreasonable” comments sa kondukta ng korte kaugnay ng kaso.

 

 

“The Court deciphered the comments and the utterances of respondent Atty. Tacardon to the various media outlets and find nothing therein that would create a ‘clear and present danger’ to the administration of justice,'” wika ng desisyong nilagdaan ni Presiding Judge Gener Gito na isinapubliko, Biyernes.

 

 

“What respondent Atty. Tacardon reported are the answers of the prosecution witnesses during their cross-examination. Respondent Atty. Tacardon reported the admissions made by those witnesses.”

 

 

“WHEREFORE, in view of the foregoing, the petition to cide respondents Sen. Leila de Lima and Atty. Filibon F. Tacardon for indirect contempt is DISMISSED for lack of merit. Consequently, all other pending incidents are rendered MOOT and ACADEMIC.”

 

 

Lumabas ang desisyon matapos bawiin ng confessed drug lord na si Kerwin Espinosa at key witness na si Rafael Ragos ang kanilang mga testimonyang nagdidiin kay De Lima kaugnay ng kalakalan ng iligal na droga. Aniya, humarap sila sa pagbabanta at pamimilit ng mga pulis atbp. otoridad kaya idiniin noon si De Lima.

 

 

Mayo lang din nang tumestigo ang dating bodyguard ni De Lima na si Ronnie Dayan na walang nangyaring pagpapadala ng drug money na nangyari sa bahay nina De Lima. Ni-recant din ni Dayan ang nauna niyang testimonya sa Kamara noong 2016 na tumanggap siya ng drug money mula kay Espinosa.

 

 

Matatandaang ibinasura ng korte ang isang drug case ni De Lima noong 2021, habang may natitira pa ring dalawa pa.

 

 

Martes lang nang sabihin ng susunod na kalihim ng Department of Justice na si Cavite Rep. Boying Remulla na bukas siyang i-review ang mga kaso laban sa nakapiit na opposition senator. (Daris Jose)

Other News
  • Abalos: ‘Ang magpapakain sa Pilipino ay kapwa Pilipino’

    BINIGYANG diin ni dating Mandaluyong City mayor at senatorial aspirant Benhur Abalos ang mahalagang papel ng mga Pilipinong magsasaka sa pagtiyak ng seguridad sa pagkain ng bansa, sa kanyang pagbisita sa Nueva Ecija kamakailan.     Ayon sa kanya, “Ang magpapakain sa Pilipino ay kapwa Pilipino – ang ating magsasaka.”     Sa kanyang pagbisita […]

  • Agimat Partylist namahagi ng ayuda

    KINATAWAN ni Cong. Bryan Revilla ng Agimat Partylist ang pamamahagi ng tig-P2,000 cash na ayuda, kasama si Mayor John Rey Tiangco sa 2,840 Navoteño college students. Nagmula ang cash aid sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pakikipagtulungan ng tanggapan ni Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr. (Richard Mesa)

  • Ads February 16, 2024