• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

President-elect Marcos, bukas na gawing drug czar si PDu30

WALANG problema kay President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. kung sasama si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang administrasyon at maging drug czar.

 

 

If he wants to,” ayon kay Marcos, Jr. sa posibilidad na makasama sa kanyang administrasyon ang outgoing President bilang drug czar.

 

 

At nang tanungin si Marcos kung ito ay standing offer, sinabi ni Marcos na hindi pa nila pinag-uusapan ni Pangulong Duterte ang bagay na ito.

 

 

“No, he has not, we have not talked about it. But I am open to anyone who is able to help in the government so matagal na kaming magkaibigan ni PRRD, noong mayor pa siya long long time ago,” anito.

 

 

“So I’m sure if he wants to play a part sasabihin naman niya sa akin, I am certainly open to that,” dagdag na pahayag ni Marcos.

 

 

Napaulat na hiniling ni Pangulong Duterte kay Marcos, Jr. sa isang pag-uusap bago pa ang eleksyon na ipagpatuloy nito ang kanyang drug war .

 

 

“Ang napapag-usapan namin bago pa mag-election, basta itong mga bagay na ito ituloy mo, that is the request that is so important to him. Still, siyempre ‘yung kanyang priority is the anti-drug problem,” ayon kay Marcos.

 

 

“Ang kanya sinasabi niya, one thing he was assertive about [was] ituloy ang anti-drug syndicate (sic) na sinimulan ko. Do it your own way. He really said that. Palitan mo… but wag mong iiwanan yan kasi kawawa ang kabataan natin. Talagang nasisira ang buhay nila,” aniya pa rin.

 

 

 

Nauna rito, sinabi ni Marcos na kung itutuloy niya ang giyera laban sa ilegal na droga na sinimulan ni Pangulong Duterte ay gagawin niya ito sa sarili nitong paraan. (Daris Jose)

Other News
  • PBBM, ipinag-uutos ang pamamahagi ng tulong sa mga sari-sari stores na apektado ng rice price cap

    IPINAG-utos ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. sa  Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mamahagi ng  cash assistance para sa mga  sari-sari store owners na apektado ng  price ceiling sa bigas.     Ayon sa kalatas na ipinalabas ng Malakanyang, sinabi ng DSWD na mamamahagi ito ng cash assistance mula Setyembre  25 hanggang  29. […]

  • Ads July 7, 2023

  • JOLINA, na-scam ng cactus seller sa FB Marketplace

    PINOST ni Jolina Magdangal sa kanyang IG account na na-scam siya ng isang cactus seller at mabuti na lang may nagbigay  kaya wish granted pa rin.   Sabi ni Jolina, “Golden Barrel”, isa sa wish list ko na mga cactus at ngayon ay granted na. To @thepeapot Maraming maraming salamat sa pagiging generous sa akin. […]