• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BICC, pinalabas na ang huling pasyente na nagkaroon ng COVID-19

LUNGSOD NG MALOLOS- Matapos ang dalawang taon na paggamot at pag-aalaga sa mga pasyenteng may COVID-19, nakalabas na sa Bulacan Infection Control Center ang huling pasyente na nagkaroon ng COVID kahapon.

 

 

Nagsagawa si Provincial Health Officer II Dr. Hjordis Marushka Celis kasama ang mga duktor, nars, at kawani ng pangunahing pasilidad na pang-COVID sa lalawigan ng munting send-off ceremony para sa lalaking 45 taong gulang na siyang huling pasyenteng nagka COVID sa ospital.

 

 

Bagaman hindi ibig sabihin na tuluyan nang natalo ang COVID-19 sa lalawigan, naniniwala pa rin si Gobernador Daniel R. Fernando na malaking milyahe ito sa laban ng lalawigan laban sa nakamamatay na virus.

 

 

“Marahil sariwa pa sa alaala natin ang mga panahon na walang kasiguraduhan kung kailan o paano matatapos ang laban natin na ito. Ngunit ang pangyayari ngayong araw ay isang hudyat ng pag-asa. Pag-asa na matapos ang dalawang taon, tanaw na natin ang liwanag na bunga ng ating sama-samang pagsusumikap,” anang gobernador.

 

 

Pinasalamatan rin ni Fernando ang mga health worker at frontliner ng BICC na walang kapaguran na naglingkod para sa mga Bulakenyo.

 

 

“Walang kapantay ang pagsaludo at paghanga ng inyong lingkod sa ating mga health workers at frontliners na silang naging ating primerong depensa laban sa COVID-19. Sila ang numero unong dahilan kung bakit paulit-ulit nating nagapi ang sakit na ito,” aniya.

 

 

Nakapag-admit ang BICC ng kabuuang 9,508 pasyente simula ng magbukas ito noong Mayo 2020.

 

 

Karamihan sa mga aktibong kaso ay nakararanas ng mild na mga sintomas at naka-isolate sa mga quarantine facility o sumasailalim sa home quarantine.

 

 

Noong Mayo 25, 2022, dalawang aktibong kaso ng COVID ang naka-admit sa ibang pribadong ospital.

 

 

Samantala, noong Mayo 23, 2022, nagtala ang Bulacan ng 82 kabuuang bilang ng aktibong kaso ng COVID at 13 bagong mga kaso.

 

 

Ayon sa Provincial Health Office-Public Health, ang lalawigan ay may 109,487 kabuuang beripikadong kaso ng COVID, 107,709 paggaling, at 1,696 pagkamatay. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • DOH: Kaso ng COVID-19, tumataas

    NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng bahagyang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa ngunit tiniyak na hindi ito sapat na basehan upang magpatupad ng travel restrictions.     Siniguro rin ng DOH na ang lahat ng rehiyon sa Pilipinas ay nananatili pa rin namang nasa ‘low risk’ sa COVID-19.     Sa […]

  • ‘The Innocents’ Trailer Takes a Dark Look at Kids With Superpowers

    IN the Marvel universe, a child discovering their powers might soon get a visit from Professor Charles Xavier to tell them everything is going to be fine.     In the European film The Innocents, however, discovering you have powers might be dangerous when there aren’t adults around to supervise – and maybe even if they […]

  • Hawaan ng COVID-19 sa NCR, bumagal

    BUMABA pa sa 1.2 na lamang ang COVID-19 reproduction number sa Metro Manila hanggang noong Enero 19, mula sa dating 2.95 noong nakalipas na linggo.     Sa kabila nito, nilinaw naman ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na nananatili pa rin ang rehiyon sa “very high risk” classification kaya’t pinayuhan ang mga mamamayan […]