• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bukod sa pagiging isa sa leading man ni Kylie: JAK, napiling gumanap sa true story ni Billiard Champ JOHANN

SURPRISED and thankful si Kapuso actor Jak Roberto sa magkasunod na project na ginawa niya sa GMA Network.

 

 

Sa Monday, May 30, ang world premiere ng sports drama series na Bolera nila nina Kylie Padilla at Rayver Cruz, pero ngayong gabi, mauunang mapanood si Jak sa Magpakailanman ni Mel Tiangco, sa episode na “Batang Kampeon sa Bilyaran.”

 

 

“Nakakataba po ng puso na ako ang napili nila para gampanan ang true story ni Johann Gonzales Chua, ang Gold Medalist sa billiard sa katatapos na 31st SEA Games sa Hanoi, Vietnam,” kuwento ni Jak.

 

 

“Dito ay ipapakita namin ang mga pinagdaanang buhay ni Billiard Champ Johann, na hindi naging madali bago siya naging champion. Tamang-tama po naman na katatapos nga lamang naming mag-lock-in taping ng ‘Bolera’ na ako ang manager ni Kylie sa paglalaro ng bilyar at may knowledge na rin ako ng sport. Salamat po!”

 

 

Tampok din MPK tonight sina Denise Barbacena, William Lorenzo, Dilek Montemayor at Ms. Shamaine Buencamino, sa direksyon ni Neal del Rosario, pagkatapos ng Jose & Maria’s Bonggang Villa sa GMA-7.

 

 

***

 

 

MASAYANG-MASAYA si Kapuso teen star Jillian Ward sa muli niyang pagbabalik sa Daig Kayo Ng Lola Ko.

 

 

Ang huli niyang ginawa ay ang GMA Afternoon Prime na Prima Donnas. Bata pa noon si Jillian nang makasama sa DKNLK, at matagal siyang naging one of the young hosts ng fantaserye, na kasama nila si Ms. Gloria Romero na siyang nagkukuwento ng bawa’t episode.

 

 

Pero this time ay siya ang bida sa episode na tiyak na mag-i-stretching ang mga televiewers ng 2-Sunday episode titled “Tiki Tokitok”. Makakasama ni Jillian sina Vanessa Pena, Michael Sager, Nova Villa, Mon Confiado at Mel Martinez.

 

 

Sa direksyon ni Rico Gutierrez, mapapanood ito sa GMA-7, after ng 24 Oras Weekend.

 

 

***

 

 

SIMULA na ng exciting finale week ng Artikulo 247 ngayong Monday, May 30 at inip na ang netizens kung makakaligtas pa ba si Klaire (Kris Bernal) sa mga kasalanang ginawa niya against MJ (Rhian Ramos).

 

 

Marami na talagang nanggigigil kay Klaire dahil lahat ng masasama niyang ginawa sa mga taong nakapaligid sa kanya ay napagtatagumpayan niya.

 

 

Pero marami ring humahanga sa husay ng pagganap ni Kris, malayung-malayo sa mga sweet characters na ginampanan niya noong araw. Kayang-kaya raw palang maging kontrabida si Kris at magagalit ka talaga sa mga ginagawa niya as Klaire/Carmen sa story, sa tulong ng boyfriend niyang si Julian (Mike Tan). Dalawang husbands na niya ang napatay niya, ang huli ay si Elijah (Mark Herras) pero siya ang nakapagsabi na si Klaire ang tunay na killer at hindi si MJ.

 

 

May hangganan din ang kasamaan, nahuli na rin si Klaire, pero lagi pa rin siyang nakakaligtas at natatakasan sina MJ at Noah (Benjamin Alves).

 

 

Ano pa kaya ang mga kasamaang gagawin ni Klaire sa finale week? May masasawi pa ba sa mga kamay niya, bago siya tuluyang mahuli ng mga pulis?

 

 

Please don’t miss the grand finale week of Artikulo 247 na napapanood araw-araw, 4:15PM sa GMA-7, pagkatapos ng Raising Mamay.

 

 

***

 

 

MARAMI nang naghihintay na GMA series na maipalabas.

 

 

Dalawa rito ay ang Love You Stranger nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos at ang Lolong nina Ruru Madrid, Shaira Diaz at Arra San Agustin. Ang dalawang serye ay mula sa GMA Public Affairs.

 

 

Mauunang ipalabas ang Love You Stranger sa June 6, at coming na rin ang Lolong. Coming na rin ang Voltes V: Legacy na marami nang naghihintay na mapanood.

 

 

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Ads February 22, 2022

  • BSP, ipinalabas ang monitoring guidelines sa posibleng digital vote-buying

    IPINALABAS ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang  guidelines para sa pagmo-minitor ng supervised financial institutions ng posibleng nagawang  vote-buying activities  sa pamamagitan ng online banking at mobile wallet applications.     Ibinahagi ng Commission on Elections (Comelec) Chairman George Garcia ang kopya ng BSP Memorandum No. M-2023-30, ipinalabas noong Oktubre 10 at nilagdaan ni  […]

  • Relief goods lulan ng BRP Tubbataha nakatakdang ipamahagi

    Kaagad nang ipapamahagi sa mga apektadong pamilya sa Bohol ngayong araw ang mga relief supplies na dala ng BRP Tubbataha.     Ito ay matapos na makarating na sa Central Visayas ang naturang barko ng ulan ang 270 sako ng bigas, 37 piraso ng tarpaulin, apat na drum ng gasolina, apat na solar sets, dalawang […]