• November 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Posibleng pagtatrabaho ni PDu30 sa ilalim ng Marcos administration, no legal impediment- Malakanyang

MAAARING magtrabaho si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa ilalim ng papasok na administrasyon ni President-elect Bongbong Marcos Jr.

 

 

 

“There is no legal impediment in the event that the President accepts an offer to serve under the Executive branch in a Marcos administration,” ayon kay deputy Presidential Spokesperson Kris Ablan.

 

 

 

Tugon ito ni Ablan sa tanong ng media kaugnay sa posibilidad na maitalaga si Pangulong Duterte bilang anti-illegal drug czar sa ilalim ng Marcos administration.

 

 

 

Sinabi pa ni Ablan na bahala na ang Chief Executive kung tatanggapin nito ang alok sakali’t gawin nga ito ni Marcos.

 

 

 

Aniya pa, “as far as the Palace knows, the President is looking forward to his retirement.”

 

 

 

Nauna rito, wala namang problema kay President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. kung sasama si Pangulong Duterte sa kanyang administrasyon at maging drug czar.

 

 

 

“If he wants to,” ayon kay Marcos, Jr. sa posibilidad na makasama sa kanyang administrasyon ang outgoing President bilang drug czar.

 

 

 

At nang tanungin si Marcos kung ito ay standing offer, sinabi ni Marcos na hindi pa nila pinag-uusapan ni Pangulong Duterte ang bagay na ito.

 

 

 

“No, he has not, we have not talked about it. But I am open to anyone who is able to help in the government so matagal na kaming magkaibigan ni PRRD, noong mayor pa siya long long time ago,” anito.

 

 

 

“So I’m sure if he wants to play a part sasabihin naman niya sa akin, I am certainly open to that,” dagdag na pahayag ni Marcos.

 

 

 

Napaulat na hiniling ni Pangulong Duterte kay Marcos, Jr. sa isang pag-uusap bago pa ang eleksyon na ipagpatuloy nito ang kanyang drug war .

 

 

 

“Ang napapag-usapan namin bago pa mag-election, basta itong mga bagay na ito ituloy mo, that is the request that is so important to him. Still, siyempre ‘yung kanyang priority is the anti-drug problem,” ayon kay Marcos.

 

 

 

“Ang kanya sinasabi niya, one thing he was assertive about [was] ituloy ang anti-drug syndicate (sic) na sinimulan ko. Do it your own way. He really said that. Palitan mo… but wag mong iiwanan yan kasi kawawa ang kabataan natin. Talagang nasisira ang buhay nila,” aniya pa rin.

 

 

 

Nauna rito, sinabi ni Marcos na kung itutuloy niya ang giyera laban sa ilegal na droga na sinimulan ni Pangulong Duterte ay gagawin niya ito sa sarili nitong paraan. (Daris Jose)

Other News
  • PAGGAMIT NG VCM, PINAG-AARALAN

    PINAG-AARALAN  ng Commission on Elections (Comelec) ang pagdaraos ng masusing pagtalakay sa paggamit ng mahigit 97,000 vote counting machines (VCMs) sa darating na halalan sa bansa.     Sinabi ni acting poll body chairperson Socorro Inting sa isang forum na mahigit 107,000 VCMs na ginamit noong Mayo 2022 election, mahigit 97,000 ang ginamit sa mga […]

  • Ads May 17, 2023

  • PBBM, nangakong palalawigin ang medical at nursing education programs

    NANGAKO si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palalawigin nito ang medical at nursing education programs para tumulong na tugunan ang kakapusan ng  healthcare workers sa bansa dahil sa migration o pandarayuhan.     “To address the current shortage of healthcare professionals in our country, and to help us achieve our goal of universal healthcare, […]