• April 4, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gustong makakilala ng magiging inspirasyon: KYLIE, hindi na itinanggi na nakikipag-date na siya

SA isang interview kay Kapuso actress Kylie Padilla, natanong kung may bago na siyang lovelife, at hindi naman tumanggi ang bida ng Bolera, na she is presently dating.

 

 

Biro pa niya, gusto naman niyang makakilala ng bagong pwedeng maging inspirasyon. At halata sa kanyang mga ngiti na masaya si Kylie. Pero hindi siya napilit na magbigay ng detalye tungkol sa guy, na siya raw nagpapasaya sa kanya ngayon.

 

 

Meanwhile, maarami na ang excited na mapanood ang first sports drama series ng GMA Network, ang Bolera, dahil nang ipalabas pa lamang ang 13-minute trailer nito sa Facebook, umani agad ito ng 1 million views.

 

 

Kaya labis-labis ang pasasalamat nina Kylie, Rayver Cruz, Jak Roberto, Jaclyn Jose, Gardo Versoza, Joey Marquez, Al Tantay at kahit ang mga coaches nina Kylie, ang mga gold-medalists sa billiard, sa katatapos na 31st SEA Games sa Hanoi, Vietnam.

 

 

Sa direksyon nina Dominic Zapata at Jorron Lee Monroy, mamayang gabi na ang world premiere nito pagkatapos ng First Lady sa GMA-7.

 

 

***

 

 

INI-LAUNCH na ng GMA Network ang bagong loveteam, ang Sparkle sweethearts na sina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega, sa pamamagitan ng bagong light-drama romantic comedy series na What We Could Be. Makakasama rin nila dito sina Yasser Mata at Pamela Prinster.

 

 

Bale ito ang follow-up serye nila bago sila mapanood sa much-awaited live action adaptation ng Voltes V: Legacy.

 

 

Pero mas una silang mapapanood sa bagong serye, na nagsimula nang mag-taping sa set nila sa Antipolo City. Nauna nang ipinakilala ni Miguel ang character niya bilang si Franco, sa kanyang Instagram account, “Ito na po yata ang pinaka-mature role na gagampanan ko so far. Pinakanagustuhan ko iyong character ni Franco na may dark past siya.”

 

 

Masaya naman si Ysabel na makatrabaho muli si Miguel pagkatapos ng Voltes V: Legacy.

 

 

“Nakakatuwa na gagawa ako ngayon ng romcom tapos with Miguel pa. It’s really exciting,” sabi pa ni Ysabel, na nababalita ring maganda ang relasyon ngayon kay Miguel.

 

 

***

 

 

FIRST time pala ni Ariel Rivera na makaranas ng lock-in taping sa bagong GMA Afternoon Prime na The Fake Life.

 

 

Inamin niya sa mediacon, na okey ang lock-in taping dahil nakakapag-focus ang cast since hindi nga sila pwedeng lumabas sa bubble.

 

 

“Pero sa ganitong set-up, magkakaroon ka ng cabin fever kasi nga naka-confine lamang kayo sa isang lugar,” paliwanag ni Ariel.

 

 

“Kaya first and last na ito sa akin, very long iyong one month or 45 days na taping, it’s hard to adjust. Okay lang siguro ang three weeks, pero kung matagal pa, ayoko na.”

 

 

Huli pang ginawa ni Ariel sa GMA ang epic serye na Mulawin vs. Ravena. Sa The Fake Life, makakasama ni Ariel si Beauty Gonzalez, Sid Lucero, Jake Vargas, Bea Binena at Kristoffer Martin.

 

 

Sa direksyon ni Adolf Alix, Jr., world premiere na nila sa June 6. Papalitan nila ang Artikulo 246, na simula na ng finale week ngayong hapon after Raising Mamay sa GMA-7

 

 

***

 

 

THIS June na raw ang alis ng buong cast ng bagong game show ng GMA Network, ang Running Man Philippines na magiging co-production venture ng network with a Korean TV company.

 

 

Doon sila magti-taping ng lahat ng games na ipalalabas dito. Last Friday, May 27, ay ni-reveal na nga ng GMA ang cast na kinabibilangan nina Glaiza de Castro, Ruru Madrid, Lexi Gonzales, Kokoy de Santos, Angel Guardian, Buboy Villar, at Mikael Daez.

 

 

Bago ini-reveal ang buong cast, nagpakita muna sila ng ilang eksena sa Running Man ng Korea. At mukhang mapapalaban ang buong cast.

 

 

May nagtatanong na nga kung tulad din ito ng dating show ng GMA na Survivor Philippines?

 

 

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Miyembro ng ‘Parojinog Group’, timbog sa Valenzuela

    NALAMBAT ng pulisya ang isang wanted person na miyembro ng ‘Parojinog Group’ matapos matunton sa kanyang pinagtataguang lugar sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.     Sa ulat ni District Special Operation Unit (DSOU) chief P/Lt. Col. Robert Sales kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa pinagtataguang […]

  • MPBL, PSL, PBL propesyonal – Mitra

    DAPAT nang magpasailalim sa Games and Amusements Board (GAB) ang Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL), Philippine SuperLiga (PSL) at Premier Volleyball League (PVL).   Gayundin kumuha ng playing professional license sa nabanggit na ahensiya dahil idineklara na ang tatlong liga na mga professional league sa joint resolution na nilas nitong Huwebes nang namamahala sa professional […]

  • Legaspi pang-13 sa Cactus

    LUMAGAK na pang-13 ang dating national golf women’s team member na si Clare Amelia ‘Mia’ Legaspi sa kahahambalos na Morongo-Champions sa Morongo Golf Club/Tukwet Canyon sa Beaumont, California, United States.     Bumitaw ang Pinay golfer ng seven-over par 79 sa opening at six-over 78 sa closing upang maisalba ang 13-over 157 sa 24-player event […]