Back-rider tigbak sa trailer truck, driver sugatan
- Published on May 31, 2022
- by @peoplesbalita
ISANG 51-anyos na back-rider ang namatay habang sugatan naman ang nagmamaneho ng kanilang motorsiklo matapos mabangga ng isang trailer truck sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.
Dead-on-the-spot si Ariel Macaraeg, machine operator, at residente ng 44 Prelaya St. Brgy. Tugatog sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan habang ang kanyang kapitbahay na si Jonas Adelino, 55, driver ng Rusi motorcycle na may plakang 212QZR ay inoobserbahan sa Valenzeula Medical Center sanhi ng tinamong mga sugat sa katawan.
Sa kanyang report kay Malabon police chief P/Col Albert Barot, sinabi ni traffic police investigator P/SSgt. Baltazar Gallangi, tinatahak ng mga biktima ang kahabaan ng M.H. Del Pilar St. dakong alas-11:50 ng gabi patungong Brgy. Maysilo nang mabangga ang likuran ng kanilang motorsiklo ng isang trailer truck (THQ450) na minamaneho ni John Mark Degino, 23, residente ng Mabolo St. Brgy. Maysilo.
Sa lakas ng impact, tumilapon si Macaraeg hanggang sa magulungan ng trailer truck na nagresulta ng kanyang agarang kamatayan habang isinugod naman si Adelino sa naturang pagamutan.
Kasong reckless imprudence resulting to homicide, physical injury and damage to property ang isinampa ng pulisya kontra sa trailer truck driver sa Malabon City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)
-
James Gunn, Reveals ‘Guardians Of The Galaxy 3’ Will Explore Heavier Story
GUARDIANS of the Galaxy director, James Gunn, reveals that the upcoming third film Guardians of the Galaxy Vol. 3 will explore heavier story than its predecessors. The original movie debuted in 2014 and quickly became a smash hit, grossing nearly $800 million worldwide. Viewers and critics lauded the film for its irreverent and exuberant take on […]
-
US hurdler nabasag ang world record sa 400-m
Nabasag ni American hurdler Sydney McLaughlin ang 400 meters hurdles world record sa oras na 51.90 seconds sa finals ng US Olympic athletics trials. Nahigitan ng 21-anyos na si McLaughlin ang record na hawak ni Rio Olympic champion Dalilah Muhammad na mayroong 52.16. Pinasalamatan nito ang kaniyang bagong coach na si […]
-
Utos ni PBBM sa BOC, ipagpatuloy ang ‘warehouse raids’ para labanan ang hoarding, illegal rice imports
INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Bureau of Customs (BOC) na ipagpatuloy lamang ang raids o isang bigla at hindi inaasahang pagsalakay sa mga warehouse o bodega para tugunan ang usapin ng hoarding at illegal rice importation. Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio na ang naging direktiba ni Pangulong […]